Chapter 13

12.7K 365 37
                                    

SA isang simpleng travel inn sa Chiang Mai nag-check in sila Allysa at Lance. They could have booked themselves in a high class hotel but they chose not to. Chiang Mai, is what they called the old town in the northern district of Thailand. It has always been a dream of her to step foot in this beautiful town.

Tamang-tama malapit na rin ang hinihintay niyang festival sa Chiang Mai. Ang Yi Peng, kung saan nagpapalipad ang mga Thais ng mga lanterns sa gabi ng Loy Krathong. Isang annual Thai tradition na kasabay sa Yi Peng Festival ng Chiang Mai tuwing November. Gusto niya itong makita sa personal. The festival of light! Next week na 'yon kaya kailangan 'di niya 'yon ma missed.

"Maganda ba talaga 'yang sinasabi mong Yi Peng Festival?" basag ni Lance habang kumakain ng Khao Soi noodle na in-order nila.

They're currently having their lunch in a small restaurant they saw in the street. Hindi niya nga lang mabasa ang pangalan ng kainan na 'yon maliban sa drawing sa signage na parang noodle bowl. The old lady who owns the restaurant said that they should try their famous Khao Soi Noodle. So they did, since adventure naman ang pinunta nila sa Thailand at mukhang sobrang nagustuhan naman iyon ni Lance.

"Napanood mo na ba 'yong Tangled?" Lance nodded. "Nakita mo 'yong nagpalipad ang mga tao ng Lanterns tuwing birthday ni Rapunzel? It's somehow like that." Hindi niya napigilan ang mapangiti. Ini-imagine na niya ang gabing 'yon. "It'll be breathtaking!" she sighed dreamily.

"I know," nangulambaba si Lance. May naglalarong ngiti sa mukha nito. Tila aliw na aliw ito sa nakikitang ekspresyon sa kanyang mukha.

"B-Bakit?"

Nakangiting umiling lamang si Lance at nagpatuloy sa pagkain.

"Tsk," binato lang niya ito ng tissue. "Tapusin mo na 'yan. Madami pa tayong papasyalan." Kinindatan lang siya nito. "Pa cute ka pa riyan." Pero aminin mo Allysa kinilig ka naman. Tsk, oo na. Masama bang kiligin?

She took a picture of him eating. Hindi lang isa, kung 'di sunod-sunod pa. Nagulat ito sa ginawa niya.

"Al naman," he groaned. "Alam kong gwapo ako kahit kumakain pero respeto naman." She was laughing out loud this time. She took more pictures of him. Sino ba namang 'di matatawa? He was giving her perfect poses fit for a noodle commercial. His facial expressions seemed like he was a kid forced by his mother to smile and pose. May fierce, may wacky, at may effort na effort talaga pero halatang pinilit.

God, Lance!

Hindi niya mapigilan ang mapangiti at matawa habang tinignan ang mga pictures nito sa maliit na screen ng DSLR camera niya. "Mukha kang tanga rito Lance." Pinakita niya ang kuha niya rito. He was holding the Khao Soi Noddle plate with that takam na takam face. 'Yong klase ng mukha na pati plato gusto na rin nitong kainin. Baliw talaga!

"Oy, not fair –"

"Kain ka na riyan." Putol niya rito. Pabirong itinulak niya ito sa braso palayo. "Dalian mo."

"Ay nananakit si Misis." Natawa siya. "Dalawang linggo tayo sa Thailand nagmamadali ka. Bukas pa ako matatapos kumain. Isang oras ang nguya ko." She threw a death glare at him. Nagkumahog naman itong kumain pagkatapos. "Sabi ko nga, five seconds lang ako kakain."

Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng tawa. My poor Lance!




MADAMI silang pinuntahan na tourist destination sa Chiang Mai. Tuwang-tuwa siyang sumakay sa tuk-tuk taxi. Para 'yong combination ng trysikel at mini jeep sa Pilipinas. Madami nga silang kuhang larawan ni Lance habang sakay sila nun. Ang nakakatuwa pa ay sumasabay pa sa kalokohan ang tuk-tuk driver sa kanila. Biniritan pa sila ng isa sa mga Thai songs. Tawa lang sila nang tawa ni Lance.

FATE 1: LOVE, LIES AND FATE - COMPLETED 2018Where stories live. Discover now