Ayoko na

25 0 0
                                    

Ayoko na
Salitang hindi nais ng iba
Salitang nagpapa-iyak sa kanila
Salitang sobra ang halaga dahil ayaw mong bitawan niya

Ayoko na! Tama na! Hanggang dito nalang talaga!
Katagang nagpapamugto sa 'yong mga mata!
Salitang nasasambit mo pag pagod ka na
Salitang binibitawan mo kapag 'di mo na kaya

Di na kinaya! Siguro kasi sinamantala mo ang kahinaan niya
Di na kinaya ang gabi gabing pag Luha
Di na kinaya ang hapdi na laging nadarama
Salitang ayoko na manggaling sa kaniya

Pero sinta? Bago mo bitawan ang salitang ' 'di ko kayang pakinggan! Hayaan mokong ipaalala sayo kung paano natin sinimulan
Hayaan mo kong ipaalala ang nakaraan
Kung paano ang satin ay sinimulan
Ipapaalala sayo ang mga pangako

Pangako na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko
Mga pangako na ayaw kong mapako
Mga pangako na ating nabuo

Alam kong nakakapagod talaga
Pero 'di ba pwede ang magpahinga?
Susuko ka na lang talaga?
Magpahinga panandalian
Ngunit huwag ng pangmatagalan

Halika ating balikan! Ang mga ala alang nagdaan
Mga ala alang kay sarap pagsaluhan
Kasabay ng tawanang ang sarap pakinggan
Minsan man ay may awayan
Ngunit 'di ba tayo ay nagsumpaan

Mahal alam kong napagod ka na
Napagod ka ng maya't maya ay umunawa
Napagod ka ng magparaya
Gusto ko lang sabihin na

Imbes na sambitin mo ang salitang ayaw mo na
Maaari bang marinig ko sayo ang katagang...
Di ako susuko kaya ko pa dahil mahal na maha kita!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now