Paalam

266 16 0
                                    

Mga bata palang ay magkaibigan na
Ako "yong nakakatanda sayo
Kaya naman itinurin ng kitang
Kapatid, at parte ka na ng buhay kong ito,

Mga araw na magkakasama tayong magkakaibigan ay walang kasing saya!
Mga dahon at damo ay nauubos hindi dahil sa nalalanta ang mga ito, kun'di dahil pinagpipitas at pinagbubunot natin.
Para lang magluto-lutuan

Mga sigaw ng mga kapit bahatynatin
Dahil sobrang ingay natin,

Sama sama tayong nangangaruling  tuwing malapit na ang pasko
Mga barya at kindi na nakukuha ay pinaghahatian natin ng pantay

At kapag noche buena na ay nagbabahahian tayo ng kanya-kanya natin mga handa at kinabukas sabay- sabay namamasko

Kapag baon taon nama'y sabay-sabay tatalon para daw tumangkad pa at makakasamang manonoud ng fire works display.

Mga araw na umulan ay sabay-sabay tayong maliligo at uuwi lang kapag sumilay na ang bahaghari

Mga bagyong dumaan sa atin bayan
Na nagdulot na matataas na baha!
Hindi man sabay-sabay na umaakyat ng bubongan dahil lubog bahay dahil sa baha, tayo'y naman ay nagkikita sa labas

At dahil nga bahain ang lugar natin ay binigyan tayo ng pamahalaan ng relokasyon para maialis tayo sa lugar na iyon,

Tuluyan kayo, ikaw ay umalis at lumipat sa relokasyon at maging kami ay lumipat narin ng bahay, iyon nga lang hindi sa relokasyon kun'di sa bahay ng lola ko

Tangi naging nagdudugtong satin ay chat sa facebook at paminsan minsan lang

Dahil kasabay ng pagkakahiwalay ay nag karoon tayo ng ating kanya-kanyang kaibigan pa

Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon na tayo'y 'di nagkita at paminsan minsan lang ang kamustahan

At isang araw nag chat sa"kin ang isa nating kaibigan ay sabi na niya wala ka na daw, patay ka na daw! Hindi ako naniwala kasi akala ko niloloko niya lang  ako

Subalit kinabukasan nabasa ko post ng Mama mo sa facebook at doon ko napagtanto na wala ka na nga!

Isip ko'y nawindang! Tanog ay bakit?
Puso'y nasaktan! Hindi makapaniwala na wala ka na. Patay ka na!

'Yong kaibigang matagal  ko ng hindi nakita ay hindi ko na pala muling makikita pa!
'Yong kaibigang matagal ko ng hindi nakausap ay hindi ko na pala muling  makakausap pa!

Dahil patay na!
Dahil pumanaw!
Dahil wala na!

Hindi ako makapaniwa na wala kana
Na wala na ang kapatid ko.

No'ng nakita ko ang mga larawan mo na nasa loob ng puting kahon at nakasuot ng puting bistida at mga mata'y nakapikit na! At hindi na muling didilat,

Mga luha'y nag-unahan ng pumatak
Sa isip at puso'y hindi matanggap na wala ka na! Dahil ang bata mo pa 15 years old ka palang

Kahit na gayon ay mananatili kang bubay sa isip at puso ko, namin hindi kita makakalimutan kailan man.

Mahal kita at patawad kun'di manlang kita madadalaw sa mga araw ng burol  mo at pati araw na ihahatid ka na sa huling hantungan mo. Sa kadahilanang hindi ako pinayagan ng mga magulang ko

Salamat sa lahat at mahal na mahal ka namin at higit sa lahat PAALAM NA! MATALIK NA KAIBIGAN AT KAPATID!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now