Muling pag ikot ng mundo

104 6 0
                                    

Sa bawat pag-ikot ng mundo
Sa bawat pag-ikot ng  gulong ng kapalaran
Kasabay nito ang pagbabago ng tibok ng iyong puso.
Kasabay nito ang unti-unti mong paglayo

Sa muling pag-ikot ng mundo
Nakilala mo siya
Sa muling pag-ikot gulong ng kapalaran
Nagbago ang iyong pagsinta

Pagsintang kay tamis
Pagsintang walang halong pagkukunwari
Pagsintang walang kapantay
Pagsintang naging mundo ko

Ang lahat ng iyan ay naglahong parang bula!

Sa bawat pag-ikot ng mga paa ng orasan
May pusong naghihintay at may pusong nagdiriwang.

Nais mo bang malaman kung ano ang lagay ng puso ko
'Yong puso ko lang naman ang naghihintay
Naghihintay na muli mong balikan
Naghihintay na muling maramdaman ang iyong pagmamahal

Na nawala ng dahil sa pusong nagdiriwang

Nang muling umikot ang mundo
Nagbago ang nakapaloob sa puso mo
Nang muling umikot ang gulong kapalaran
Nagbiyak ang mga pangako mo

Hindi na ako dahil siya na
Wala ng tayo dahil kayo na
Wala ng ang ngiti sa labi dahil napalitan ito ng lungkot at pinaghati
Mga luha'y 'di na rin tumigil sa pagpatak

Kasabay ng pagbabago at pag-ikot ng mundo maging ang gulong ng kapalaran

Ang muling pag-iisa ng puso kong nagmahal ng totoo

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now