Ayoko na! Hindi ko na kaya!

184 10 0
                                    

Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Sawa na ko! Wala naman talagang pag-asa!

Pasakit, pag subok, paghihirap at hinagpit. Paulit-ulit nalang tila ba'y gulong na hindi humihinto sa pag ikot.

Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Tinadtad na ko ng bala
Ayoko ko na! Hindi ko na kaya!
Napako na ang paa
Ayoko ko na! Hindi ko na kaya!
Kamay ay parisado na
Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Oo na talunan na!

Nais ko na lamang humiga sa kamang nakabaon sa lupa
Nais ko na lamang gumitna sa ulan ng bala
Nais ko na lamang mawalan ng pusong nakadarama
Nais ko na lamang mawalan ng hinigan
Nais ko na lamang hindi na gumising pa sa umaga

Dahil ayoko na! Hindi ko na kaya!

Subalit bawat pagsikat ng araw ang kasabay ay pag mulat ng mata, pahinga at pagtibok ng pusong manhid na. Mga paa pagod ng tumakbo, mga kamay  na ngalay na

Sabi pa nila! Sa bawat bukas na dumating may pag-asa.
Subalit para sakin isang kadiliman ang lahat
Hinahanap-hanap ang liwanag
Nakadilat naman pero kadiliman ang tanging na aaninag hindi dahil bulag ako o ano pa man,
Humakbang pausad subalit umaatras
Nagmamahal subalit poot, galit at hinagpit ang nangingibabaw

Ayoko na! Hindi na kaya!

Wag niyong sabihin sakin na kaya ko, na magbulag-bulag na lang ako at mabingi-bingihan.

Dahil ang katotohan ayoko na! Hindi ko na kaya!

Hindi ko na kaya!

Kahit magbingi-bingihan pa! Dinig na dinig ko ang kapitasan ko
Kahit magbulag-bulag pa! Kita na kita kung paano mamula amg mukha nila dahil sa kapintasan ko
Kahit puso'y di na tumitibok pa! Damang- dama ko parin ang hinagpit!

Ayoko na! Hindi ko na kaya!

Tanging nais ko nalang humiga sa kamang nakabaon sa lupa

Tanging nais ko na lang ang hindi na masinagan pa ng umaga

Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Tinadtad na ko ng bala
Ayoko ko na! Hindi ko na kaya!
Napako na ang paa
Ayoko ko na! Hindi ko na kaya!
Kamay ay parisado na
Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Oo na talunan na!

Ayoko na! Hindi ko na kaya!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now