desconocido amor

105 5 0
                                    

Sa pagitan ng pagpatak ng mga ulan
Nasilayan ang mga ngiti mo
Sa bawat pag ihip ng hangin
Naramdaman ang kakaibang pagtibok ng puso

Kasabay ng dahan-dahang pagpatak ng ulan
Ang dahan-dahang pagkahulog sayo
Na kung paanong ang lamig ng ihip ng hangin
Subalit ang init lang ng pagmamahal sayo ang tangi nadarama

Walang lakas ang puso kong magtapat
Walang tinig na lumalabas sa bibig ko upang iparating sayo ang pagsinta
Wala ding lakas ang paa ko upang lapitan ka
Wala ding lakas ang bisig ko para ikulong ka pagitan ng mga ito

Dahil ang lumapit sayo ang magiging katapusan ng lahat
Dahil ang kausapin ka ay madidinig ng tadhanang hadla sa ating dalawa
Dahil ang ikulong ka sa mga bisig ko ang simula ng pag alpas ng kapalaran para sa ating dalawa

Hindi kilalang pag ibig!

Hindi kilalang pag-ibig lang ang pwede kong ialay sayo mula sa malayo.

Takot ako na baka magsimula ang paggalaw ng kapalaran na ikatitigil ng pag-ibig ko sayo
Takot akong kumilos ang tadhanang hahadlang sa pagmamahal na ating ipinaglalaban
Takot akong magsimula ang katapusan ng pagsinta

Sa makatuwid pipilin kong huwag lumaban sa malupit ng tadhana
Sa halip ay mahalin ng patago ang pinili kong tahakin
Sa halip na lumapit ay hahakbang papalayo
Sa halip  na isigaw ang pag-ibig ay ikukubli na lamang.

Desconocido amor
adiós mi amor

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now