Amazing Love

134 5 0
                                    

Magulo! Maingay! Mapanghusgang mundo
Mga kabataan na ang hilig ay...
Mga maka-mundong bagay
Alak! Sigarilyo! Babae! Droga! Pera!
Ilan lamang 'yan sa mga maka-mundong bagay

Pakikipagtalik kahit "di pa kasal o nasa murang edad pa lamang.
Pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalaki!
Mga babaeng mapulahan ang labi
Paiksihan ng short! Palakihan ng boobs!
Mga lalaking mahilig sa laman, mahilig sa babae, lulong sa pag-inom ng alak, at paggamit ng droga! Ilang lamang yan sa mga kaligayahan ng mga kabataan ngayon.

Noon ayon sa pambansang bayani nating si Dr. Jose Rizal. Ang kabataan ay ang pag asa ng bayan! Ngunit sa nang lyayari ngayon. Ang kabataan ay sakit sa ulo na lamang.

Ngunit sa lahat ng nangyayari ngayon! Sa mundo.
May isang dakilang Diyos na
Naghihintay! Nanabik! At namamalasakit!
May isang dakilang Diyos na handang bigyan liwanag ang madilim at magulong mundo ginagalawan mo.

Kahit na! Sa kabila ng paulit-ulit mong kasalanan
Kahit pa! Sa kabila ng paulit-ulit mong pagbabaliwala sa kanya
Kahit na! Sa kabila ng paulit-ulit na pagsaway sa mga kautusan niya
Kahit pa! Sa kabila ng paulit-ulit mong paglimot sa kanya

Handa ka niyang tanggapin ng buo
Handa ka niyang baguhin
Handa ka niyang ipaglaban sa lahat
Handa ka niyang mahalin buong buo

At higit sa lahat

Sa kanya mo matatagpuan ang tunay na kaligayahan walang kapantay
Sa kanya mo matatagpuan ang tunay na mundo
Sa kanya mo matatagpuan ang tunay na kaligtasan
Sa kanya mo matatagpuan ang buhay na walang hanggang

Halika na humayo na at magalak sa presensiya niya
Halika na magbigay papuri sa kanya
Halika na magpasalamat sa kanya
Halika na tanggapin at mahalin siya ng buong puso't kaluluwa

1 Timoteo 4
[12]Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now