Malaya

575 26 0
                                    

Pag-uunawa, pagtitis, pagpaparaya at pagsasakripisyo

Pag-uunawa sa mga taong hindi marunong umunawa

Pagtitiis sa mga taong abusado

Pagpaparaya sa mga bagay na ninanais makamtam

Pagsasakripisyo para lang mapasaya kayo

Nababatid niyo ba na sa bawat pagsabay ko sa halakhakan ninyo. May mga luhang gustong kumawala

Sa bawat pag-iwas ninyo nais ko na kayo'y tanungin ano ba ang mali sakin?

Sa bawat pagbitaw ninyo sa pangalan ko nais kong sabihin sa inyo bakit ba? Bakit ba lagi na lang ako!

Ako na laging katuwaan ninyo
Ako na laging nilalait ninyo
Ako na nilalapitan niyo lang pag may kailangan kayo
Ako na walang karapatang umangal

Bigla na lang umalan ng malakas tila'y dinadamay aking nararamdaman walang nagawa kun'di ipatak mga luhang gustong kumawala

Umiiyak habang nakadungaw sa bintana minamasdan mga taong nagdaraan

Habang sinasambit kailan ako lalaya
Lalaya mula sa inyo
Kailan ako magiging malaya mula sa inyo

Sa inyo na walang ibang ginawa kundi kutyain ako
Sa inyo na walang ibang makita kun'di ang kakulangan at pagkakamali ko
Sa inyo na kung umasta tila perpekto
Sa inyo na magagaling lang pa may kailangan

Mga luha'y napagod ng pumatak
Mga hinain ko na gustong sabihin sa inyo
Mga pasakit na nais ko nang mawala

Sa pamamagitan ng pagiging MALAYA tulad ng mga ibong malaya...
malayang lumipad sa himpapawid

Bibilangin nal ang mga araw
Iilang luha na lamang ang papatak
Lagi ng may ngiti sa mga labi
Puso'y hindi na magdadalamhati sa sakit
Isip ay mapapanatag na

Ngunit bago ang lahat nais kong magpasalamat
Magpasalamat sa mga taong saki'y nagmahal
Magpasalamat sa mga kaibigan na saki'y nagpapasaya sa mga sandaling ako'y naghihinagpis
Magpasalamat sa mga magulang ko na saki'y nag-aruga
Magpasalamat sa poong maykapal sa buhay na ito

Suot ng bistidang puti
Mukha ko'y puno ng pustura
Mga labi ko'y namumula
Suot ang puting sapatos ako'y lalakad at maglalaho na!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now