Halaga

302 15 0
                                    

Siguro ang sarap sa pakiramdam na binibigyan ka ng HALAGA

Mga tao'y nakapaligid sa'kin marami pero,
Nag-iisa, nag-iisa naman ako kahit na..
Nag-iisa't walang gustong sumama
Nag-iisa't walang HALAGA
Nag-iisa't minamasdan sila.

Sila na masayang magkakasama
Sila na pilit kong nilalapitan
Sila na pilit akong nilalayuan
Sila na may HALAGA para sa'kin

Ngunit ako lang pala!

Ako lang pala 'yong nag bibigay ng HALAGA
Ako lang pala 'yong walang HALAGA para sa kanila
Ako lang pala 'yong ayaw nilang kasama
Ako lang pala 'yong masaya kapag kasama sila

Sana! Sana! Sana! Sana! Pera na lang ako.

Para naman magkaroon ako ng HALAGA
Para naman magka interes sila sakin

O 'di kaya isang ginto

Isang gintong huhukayin at paghihirapan
Isang gintong malaki ang HALAGA
Isang gintong iingatan at ipagmamalaki nila

Buti pa 'yong gadget may HALAGA

Katagang HALAGA'Y katumbas ng pagmamahal
Katagang HALAGA'Y pangarap na maramdaman
Katagang HALAGA mula sa mga taong saki'y mahalaga
Katagang HALAGA ang nais! At hindi awa

Pero alam ko!

Sa bawat lapit ay pilit lang
Sa bawat ngiti ay pilit lang
Sa bawat salita'y may halong kasinungalingan
Sa bawat gagawin ay walang HALAGA

Kaya naman mayroong isang katanungan?
HALAGA ba'y? Nakalaan lang sa Magagandang at guwapong tao?

HALAGA ba'y? Para lang sa inyo at,
Hindi nabibilang ang ako't kami!

Ako't kami na naiiba sa inyo!

Halaga ba'y ? Para lang ba sa may pakinabang at kilala.

Bakit? Ang hirap ko bang gustuhin
Bakit? Ang hirap ko bang timbangin
Bakit? Ang hirap ko bang tanggapin
Bakit? Ang hirap ko bang mahalin

Magkagayon man ako'y umaasa pa rin

Darating!

Isang araw ay magkakaroon ako ng halaga hindi dahil sa maganda, mayaman, kilala at may pakinabang ako sa inyo kun"di gusto at mahal ninyo ako.

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now