Pag ibig

43 2 0
                                    

Pag ibig na naging dahilan ng aking kasawian
Pag ibig na di ko kayang matakasan
Pag ibig na naging dahilan ng aking kabiguan..

Kabiguan na para bang ako'y sumugal ..
Sumugal sa larong di kayang manalo ninoman
Nang walang naramdamang pait, sakit at pighati na dala ng mapaglarong tadhana...

Tadhana na sa'kin ay naging madaya
Tadhana na sa'kin ay nag paluha
Tadhana na aking isinusumpa
Nang dahil sa sakit at pighati niyang dala

Kaya nais kong inyong malaman
Na ang pagibig ay di matatagpuan
Dahil ito ay purong kasinungalingan
Na gawa-gawa ng mapaglarong isipan
Na kung sakaling iyong maramdaman
Ang mapaglarong tadhana ay wag ng naisin
Pang ito ay subukan
Dahil kapalit nito ay ang katagang KABIGUAN

Ramdom Thought, True FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon