Paulit-ulit

121 6 0
                                    

Tulad ng paulit-ulit na pagpatak ng ulan
Tulad ng paulit-ulit na pagsikat ng araw
Tulad ng paulit-ulit na paglitaw ng buwan at bituwin sa kadiliman.
Paulit-ulit pa rin kitang mamahalin

Kahit ako na lang ang paulit-ulit masaktan
Kahit ako na lang ang paulit-ulit na nanatili
Kahit ako na lang ang paulit-ulit na umiyak
Paulit-ulit pa rin kitang pipilin

Kahit sa ating dalawa ako na lang ang lumalaban
Kahit sa ating dalawa malayo ka na
Kahit sa ating dalawa ako na lang ang nagmamahal
Paulit-ulit pa rin kitang mamahalin at pipilin

Hindi dahil tanga ako
Hindi dahil martir ako
Hindi dahil wala ng papalit sayo
Kun'di dahil mahal kita, mahal na mahal kita

Kaya kahit paulit-ulit, ikaw pa rin.

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now