Tahanan

113 6 0
                                    

Apat na haligi, iisang bubong
May ilaw ng tahanan
May haligi ng tahanan
May mga paslit na nagkukulitan

Larawan ng isang tahanan.

Paano kung ang haligi ng tahanan lang
Ang may kapangyarihan at awtoridad
At ang ilaw ng tahanan ay tagasunod lamang at ang mga paslit puno ng takot

Tahanan ng dapat puno ng pagmamahalan
Ngunit puno ng mga pasakit at sakit
Tahanan na dapat ay puno ng halakhakan
Ngunit puno ng kalungkutan at lumbay

Tahanan na dapat do'n ka sasaya
Pero doon ka napupuno ng kalungkutan,
Unti-unti na mamasa ang iyong mata
Dahil lumaladas naman sa iyong pisngi ang mga luha puno ng sakit at pighati

Tahanan na dapat ay nasasadalan mo kapag may problema ka sa halip ay namomoblema ka kung uuwi ka ba o hindi na!

Tahanang na dapat ay huhubog sa pagkatao mo ay siyang kumukulang sa pangagailang at nais mo

Haligi ng tahanan na dapat ay masasandalan mo sa oras na pagod ka na ay hindi mo magawa dahil puno ka ng takot at hinagpit para sa kanya

Ilaw ng tahanan na dapat ay nagbibigay sayo ng liwanag at pag-asa ay tagasunod lamang at puno din ng takot,

Hindi kita masisi kung hihingi mo na
Mawalang na lang ng tahanan dahil
Doon mo nararanas lahat ng sakit at doon ka unang nakarinig ng masasakit at masasamang salita

Hindi kita masisi kung sa puso ay namuo ang galit at pighati dahil ang tahanang dapat doon ka sasaya at makukumpleto ay siyang dumudurog sayo!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now