Umasang Mamahalin Mo Din

417 22 1
                                    

Umasang mamahalin mo din
Umasa sa mga tingin
Umasa sa mga ngiti
Umasa sa mga pag aalala
Umasa sa mga ipinapakita

Noong panahong nalulubay ika'y nand'yan para ako'y pasiyahin. Sa pamamagitan ng mga ngiti mong sa isip ko'y hindi kumadlaw

Noong panahong nasasaktan ika'y nand'yan para ako'y damayan, mga pag-aalala mo sakin na hindi ko nanaising mawala

Noong panahong tayo'y magkasama mga tingin mo na sa'kin na gusto ko habang buhay na!

Noong panahong ako'y nawawala ipinakita mo sa'kin; ang daanan patungo sa lugar at bagay na tama.

Kaya't puso'y umasang mamahalin mo din

Napupuno ng saya mga labi dahil sayo
Napupuno ng kulay buhay ko kapag nand'yan ka
Napupuno ng pag-asa dahil sa mga ikinikilos mo

Dumating araw na kinatatakutan
Araw na guguho ang mundo
Araw na tatatak sa puso't isip
Araw na papatak mga luha
Araw na mabibiyak ang puso

Dahil sinabi at ipinakita mo sa harapan ko, babaeng laman ng puso mo
Babaeng sayo'y nagpapaligaya
Babaeng nais mong makasama
Babaeng sinisinta mo
Babaeng nagmamay-ari ng puso mong
Akala ko'y akin at para sa'kin

Pinilit iguhit ngiti sa labi huwag lang mapagtanto na ako'y nasasaktan.
Ninais na lamang lisanin lugar kung nasan kayo

Mga luha'y nauunahang pumatak
Mga tuhod ay nanghina ng lubusan na pasalampak sa daan
Mga palad ay itinakip na lamang sa mukha
Mga taong nagdaraan saki'y napapatingin

Umuwi't nagkulong sa silid
Nagmumuni-muni.
Para saan ba ang lahat
Lahat ng 'yon!
Kung sa bandang huli ay hindi rin pala ako

Walang ng maunawaan
Puso'y nadurog ng lubusan
Isip ay walang kasing gulo
Mundo ko'y gumuho ng buo

Dapat pala'y umiwas na
Dapat pala'y tinuldukan na
Dapat pala'y walang malisya
Dapat pala'y hindi na umasa
Dapat pala'y hindi na umibig pa
Dapat pala'y lininaw na

Ang pusong umasa na mamahalin mo din.
Hindi alam kung kailan gagaling
Hindi alam kung anong gagawin
Hindi alam kung titibok pang muli

Ang puso ko at ako na umasang mamahalin mo din ay wasak. Dahil nagwakas na ang lahat.


dahil nagkomento ka @tsunaumi gusto kong idedecate sayo tong tulang ito

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now