Paalam

126 6 0
                                    

Minulat ko naman ang aking mga mata
Sa pagbukang liwayway
Unting unti naglalakbay si haring araw
Kasabay ng muling masakit na pakiramdam

Mula sa apat kanto
Titignan ang mainit na sikat ng araw
At mga taong pasasakay pa lamang,
Sinisikap huwag pakiramdam ang sakit

Ingingiti at itatawa na lang
Sasabay na lang hapagkainan
Matapos ay makikipaglaro ulit
Sa sakit na nararamdaman

Nag-aagaw na ang liwagan at dilim
Hudyat na paparating na si haring buwan may kasamang malamig na ihip ng hangin
At nagkikislapang mga bituhin

Minamasman ang mga nagnining bituhing
Na baka bukas ay mararating ko rin
Sa ngayon ay damdamin muna ang malamig na ihip ng hanging dahil baka ito ang huli.

Unti-unti ko na namang nararamdaman
Ang sakit mula sa aking ulo na
Para bang naglalakbay sa aking buong katawan, ito na ata ang huli?

Ang huli kong sandali kung magkagayon buong buo kong yayakapin ang kaparalang inukit nang tahanan
Sa aking dalawang palad

Masaya ako dahil hindi ko na ulit mararamdaman ang lahat ng sakit
Na mayroon ako
Salamat.

Paalam!

Ramdom Thought, True FeelingsWhere stories live. Discover now