Ch. 32

5K 111 2
                                    


Ch 032
That's Not Love

I am quite sure that it's obvious I am anxious about something. I wasn't even able to eat breakfast well dahil binabagabag ako ng impormasyon na nalaman ko, at ng eksplanasyon na gusto kong marinig.

Hindi ko siya kasabay sa breakfast. I was told that he left early pero hindi naman niya dinala ang kotse niya. I wonder where he went.

Mag-isa ako sa kitchen to get myself a glass of orange juice nung dumating siya, sa kusina din, at nagbukas ng fridge para kumuha ng bottled water.

Pinagmasdan ko siya sa suot na track suit. He looked damn fine. Mestizo ang buwisit at maganda rin ang hubog ng katawan. I'm having a really hot morning.

"Do you usually do that?" He queried.

"What?" I raised a brow.

"Checking people out."

"I wasn't. I was just spacing out and then—"

"And then nagkataon na sa akin ka nakatingin?" He cut me off, and then smiled. "Kumain ka na?" He asked as he moved closer.

"Yup." I said, popping the 'p'.

"Without me?"

"Duh? I woke up and you weren't here. May meeting ako and I can't be late because—"

"You simply did not want to eat with me."

"C'mon! That's such a lame trick! Alam mong hindi ako pwedeng tumunganga lang buong araw wondering where you went habang nalilipasan ako ng gutom."

"So if I were here you would have eaten breakfast with me?" Aniya.

"Napapano ka ba?"

"Sagot, Alexana."

"Oo! Malamang! You are still my guest and I want to be hospitable."

"Have lunch with me then." Aniya. All of a sudden???

"T-teka. I'll cancel my plans..."

"And dinner, too." Pahabol niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit?"

"You said you want to be hospitable to your guest." Aniya.

"Fine.  I'll be at home before twelve." I said.

"No need. I'll fetch you." He replied.

He is being really weird! May tinatago nga yata ito sa akin! At mukhang may kinalaman ang lugar kung saan siya galing earlier this morning.

I drove myself to work. Medyo distracted ako while driving dahil marami akong iniisip. And then I snapped out of it. Bigla akong natakot na baka maulit ang nangyari noon.

Pero pagdating ko sa trabaho ay doon naman ako distracted. Hiningan ako ng opinyon tungkol sa isang issue at wala akong masabi. All because nag space out ako sa gitna ng meeting!

Damn it, Henry.

Two days nalang ang natitira. Ang problema, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag natapos ang tatlong araw ng hindi niya pa rin nasasabi sa akin ang bagay na iyon. Kung ano man 'yun.

"Let's wrap things up." Parang biglang ginanahan ako noong narinig ko iyon. Hudyat kasi ito na lunch time na.

Pumunta ako sa opisina ko at nag retouch. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay natigilan ako. Napasimangot. What am I doing?

I'm like a teenager who can't focus because of a guy. Tapos todo pa kung makapag-ayos.

Tinago ko ang pressed powder sa purse at chineck ang oras. It's almost time.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now