Ch. 22

5.7K 137 7
                                    


Ch. 022
Found Myself

Hindi ako nakasagot. Hindi rin siya naghintay ng kasagutan. Pagkatapos niyang punasan ang mga luha ko at pagkatapos kong tumahan, nag-aya na siyang lumabas ng sasakyan at umoo naman ako.

He went to buy stuff for Jenna while I tried to look for a gift for dad's birthday tomorrow. Napadpad ako sa mga wristwatch, and thought it would be a sensible gift.

Habang tinititigan ko ang isang relo na nakakuha ng atensyon ko, ay may nagsalita sa gilid ko.

"What would I give him if his daughter is already sure she's going to buy him a watch?"

Napatingin ako sa nagsalita. Surprisingly, it was King. Wow, what are the odds...

"Ba't nandito ka?" Tanong ko. "Nagtuturo ka na sa BGSU?"

"Soon." He replied. "I'm here for a meeting with the board, kasama ko ang dad mo. Maaga kaming natapos kaya naisip kong bumili ng regalo para sa kaniya. Birthday niya bukas, diba?"

"Kaya pala maaga siyang umalis kanina. Oo birthday niya nga bukas. Hindi ko alam kung anong bibilhin ko." I half-smiled.

"Go buy the watch, then. I'll buy him ties instead." Aniya.

"Sige. Wala akong alam sa mga neck tie na 'yan eh." Sagot ko.

Sinamahan niya akong bumili kaya sinamahan ko na rin siyang bumili ng tie. Pagkatapos ay tinanong niya ako kung saan ang punta ko.

"I'm with a friend. Magkikita kami sa ground floor, malapit sa supermarket." Sagot ko.

"Okay. Hatid na kita doon." Aniya. Sino ba naman ako para tumanggi sa kabaitan ng ibang tao.

Malayo pa lang ay nakita ko na si Henry. Naalala ko na naman yung sinabi niya kanina. Damn. Is this even the time to think about that?

Nung nakita niya ako, sinalubong niya ako at kinuha niya yung bitbit ko.

Pero ang nagpawindang sa akin ay nung kinausap siya ni King.

"You were the friend she was talking about?" Ngumisi siya kay Henry. Imahinasyon ko lang ba o talagang may emphasis 'yung pagkakasabi niya ng 'the friend?'

Umayos ng tindig si Henry at ibinulsa ang mga kamay. Magkatapat sila ni King at halos magkasingtangkad pala silang dalawa.

"I don't think you deserve to say the word friend, King De Santos." Henry said. "Stop disgracing the word."

"I see you still haven't mastered the art of acceptance and moving on, Henry Montañer. You're still as bitter as ever." Panunuya ni King. Teka. Bakit parang na out of place yata ako?

"Hello? Nandito po ako?" Sabat ko. Napatingin sila sa akin. Ngumiti ng malapad si King, pero bakit plastic ang dating nun para sa akin?

"Sorry, Paige. Saan pala ang punta mo? Ihahatid na kita." King offered. "I'm quite worried about you hanging out with Henry."

Huh?

"Pardon?" Nagtaas ako ng kilay. I glanced at Henry and saw him avert his gaze, tapos napailing nalang siya.

"Do you know what kind of person he is?" Ani King. "I bet you don't. Kasi kung alam mo, you wouldn't be hanging around with him."

Nagbagting ang tenga ko. Parang may mali sa sinabi niya. Actually lahat. Lahat mali.

"I'm quite worried I got the wrong impression of you." I told King.

"Ano kamo?"

"I thought you were matured and full of wisdom. Guess I miscalculated." Sabi ko at saka hinawakan ang kamay ni Henry.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now