Ch. 29

5.1K 123 5
                                    

Ch 029
Why Not

It's almost night time. I have to get going kung gusto kong makaabot para sa graduation ni Jenna bukas. Gusto ko ring i-grant yung gusto niya na doon ako matulog. It's almost 6pm. Aabot pa ako.

Lumabas ako ng room dala ang mga gamit ko; sigurado akong aalis na talaga ako ng hindi nagpapaalam kay Henry kahit na hindi ako sigurado kung ano ang susunod kong gagawin.

Right now I just want to give him time to think. Ayokong makidagdag sa mga iniisip niya. I have to respect his peace.

"Saan ka pupunta ng ganitong oras?" Natigilan ako dahil alam kong boses niya iyon. Tumalikod ako at hinarap siya.

"Kay Jenna. She asked me to attend her graduation tomorrow kasi busy ka daw." Sagot ko.

"You mean, aalis ka nalang ng hindi ako sinasabihan?" Aniya.

"Do I need to? Tsaka, wala na. Alam mo na rin naman."

"Nagkataon lang Alexana, pero wala ka talagang balak sabihin sa akin."

"Let's just say for argument's sake na wala akong balak sabihin sayo, ano naman ngayon?"

"Hintayin mo ako. I'll just pack my stuff."

Tumalikod siya at naglakad na.

"Ayoko!" Sigaw ko.

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa direksyon ko.

"I told you not to come near the restaurant and you did not listen. Seryoso ako Alexana, noong sinabi kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

Umirap ako. "Why? What can you do?"

Tinignan niya ako ng diretso. Dahan dahan siyang lumakad papalapit sa akin hanggang sa isang dangkal nalang ang pagitan naming dalawa.

This is not good.

"A lot." He whispered as he snaked his arm around my waist and pulled me even closer.

Damn! This is an emergency situation!

"You!" Pinandilatan ko siya ngunit umamba siyang hahalikan ako kaya naitulak ko siya sa gulat.

Lintik!

Gago!

xxx

Sa sobrang tulala ko sa nangyari ay hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.

Animo'y kinakalkula ng aking utak ang nangyari.

Syntax error.

Natapos nalang si Henry sa pagkuha ng mga gamit niya sa villa ay nandoon pa rin ako, hindi makagalaw.

"Come on." Untag niya at saka kinuha ang mga gamit ko para siya na ang magbitbit.

What is happening?

Pagdating sa parking area ay pinatunog ko ang aking kotse at binuksan ang trunk nito. Nilagay ni Henry ang mga gamit ko doon, pati na ang kaniya.

PATI ANG KANIYA.

"Excuse me? May mali yata rito." Sabi ko.

"Walang mali sa nakita mo. Don't worry, I'll drive safely. All you have to do is sleep." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?! Nasaan ang kotse mo?" Sabi ko.

"Kasabay ko ang mga investors na pumunta rito. Pero since nauna na silang bumalik, wala akong choice kundi ang makisabay sayo." Aniya.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now