Ch. 06

7.8K 175 3
                                    

Ch. 006
Don't Follow Me

"San kayo galing? Bakit di ko kayo mahanap?" Panggigisa ni Jenna sa amin pagbalik namin sa garden.

"Sa cafeteria lang. Nagutom kasi yung alaga ko." I cajoled and she smiled back.

Bumaling siya kay Henry. "Umuwi na tayo. At saka, your parents called. Dadalaw sila in a few days. May summit sila sa Singapore at sasaglit sila dito sa Pinas to see you."

Nakita kong umirap si Henry. "Tss. Like their presence would change anything."

"Grabe 'to..." Kumento ko.

"Ilang taon akong nabuhay na wala sila. Their visit wouldn't make any difference." He said.

"Hindi naman required na magkaron ng difference e. Dadalaw sila, hayaan mo." Sabi ko.

"Know what? You're such a nagger." He rolled his eyes.

Itinulak ko na ang wheelchair. Sige. Ako na nagger.

Sabagay, it's not my life. This doesn't concern me in any way. I know nothing about their family kaya wala akong say sa kahit anong tungkol doon.

Which made me miss my parents. Kung gaano ka-cold si Henry sa mga parents niya ay ganoon naman ako ka warm sa parents ko. Kamusta na kaya sila? Nasa Buenos Grande kaya sila o nasa ibang bansa na naman?

Hindi ko pa nasabi sa kanila yung nangyari sa amin ni Ringo dahil hindi ako handa sa magiging reaksyon nila.
They were so supportive of our relationship.

Kilala si Ringo bilang panganay na anak ng dating mayor ng Buena Vista. Pero bukod doon ay magalang siya at maalaga. Kung hindi lang talaga umepal yung kababata niyang hilaw!

Pero hindi ko rin siya masisisi ng buo kasi alam kong she tried to push him away. Si Ringo itong mapilit. Si Ringo itong eleven years old pa lang, si April na ang mahal. Dun pa lang, talo na ako.

Parang ako pa nga ang asungot sa love story nila eh.

"Lalim ng iniisip ah?" Sumulpot si Henry sa gilid ko. Nasa terrace ako hours after we got home at nakatunganga lang. Simula nung eksena sa cafeteria ay kinakausap niya na ako.

I looked at him and his wheelchair. Something about it made my heart ache.

"Di bagay sayo ang naka wheelchair. Hurry and walk, Henry. For the good of all..." I said.

"Bakit hindi bagay sakin? Am I too handsome to be stuck in this poor shit?" He retorted and I laughed.

"Lakas din pala ng saltik mo. Ikaw, handsome? San banda?"

"Sa lahat ng parte. Hindi mo ba nakikita? Pa check mo nga yang mga mata mo, may depekto ata."

I can't believe we're actually having this kind of conversation. Nag-iinisan pero hindi nagsisigawan. I smiled at the thought.

"Tumatawa na naman mag-isa. Creepy." He commented and I stood up.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko.

"Ice cream? Tingin mo makakalabas tayo ng ganito ako?"

"Bumili ako ng icecream kanina. Sandali lang, kukuha ako."

Umalis ako para kumuha ng ice cream sa fridge at pagbalik ko, ganoon pa din si Henry. He didn't even move an inch. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Huy!" Sita ko. "A penny for your thoughts?"

He exhaled. "I was contemplating about something..."

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now