Ch. 03

8.8K 172 0
                                    


Ch. 03
Move On

"Ayoko sabi!" He shouted again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong sinigawan simula nung nagising siya. Hindi ko na nga alam kung deserve ko pa ba 'yon o sumusobra na siya eh. Pinapakain ko lang siya, galit na agad.

"Kumain ka na, Henry. Hindi ka pwedeng malipasan—"

"Get the fuck out of here!" He shouted for the nth time. "Tingin mo natutuwa ako every time I see that face?!"

Napayuko ako. I know it doesn't feel great to see the person who caused you pain. Ako nga inilayo ko ang sarili ko kay Ringo. And yet here I am, sinisiksik ang sarili ko sa taong nasagasaan ko.

Nahihirapan siyang maglakad at ako ang tanging taong sinisisi niya. Becuse why not? No matter how much I justify na siya ang hindi marunong tumawid sa kalsada, I am still the assailant and he's still the victim.

Siya yung na-ospital at hindi ako.

And I would rather take all the harsh words kaysa sampahan pa ako ng kaso. I'd rather compensate him through my services and financial support.

Nagpapaulan siya ng mura kapag kinakailangan niyang sumakay sa wheelchair at mas lalo kapag sinusubukan niyang tumayo pero hindi niya magawa.

Kapag natutulog na siya ay dun lang ako nakakaiyak ng walang humpay.

"Sorry, Paige." Ang tanging nasasabi ni Jenna sa tuwing pinagmamalupitan ako ni Henry.

Somehow, she managed to realize that it wasn't entirely my fault. So she apologized and began talking to me nicely.

•••


Bumili si Jenna ng pagkain sa kalapit na convenience store at naiwan akong mag-isang nagbabantay kay Henry.

Simula nung nagising siya ay hindi na ako nakatulog ng kumpletong eight hours. Minsan two hours lang, minsan putol putol pa kasi kailangan kong gumising kapag may kailangan siya kahit na antok na antok pa ako.

Pinagmasdan ko siya habang siya'y tulog. Ang amo ng mukha niya kapag tulog siya kaya di ko lubos maisip na halimaw siya kapag gising na. Matangos ang kaniyang ilong at mahaba ang kaniyang pilikmata.

Unlike Ringo na mas bata sa akin ng isang taon, mas matanda si Henry sa akin ng dalawang taon.

Ang sabi ni Jenna, manager daw si Henry ng Villa Serafina sa Pampanga pero nagresign ito para tanggapin ang mas magandang offer dito sa Aklan.

"Denzel..." I heard him say. He's fast asleep and he's talking. "Denzel please..."

Kumunot ang noo ko. Denzel? Anong meron? What's up between him and Denzel?

Napapanaghinipan siya ni Henry almost every night pero hindi ko sinasabi kay Jenna.

Ayaw kong makialam. Kaso mas mapapahamak ako kung wala akong alam tapos may masabi ako bigla na di karapat-dapat.

Kaya pagdating ni Jenna ay hindi na ako nagdalawang isip pang magtanong.

"Um, Jen?" Umupo ako sa tabi niya hawak ang coffee na magpapagising sa akin. "Pwede bang magtanong?"

She looked at me. "Ano yun?"

"Meron bang something si Henry at Denzel?"

She averted her gaze. "Bakit mo natanong?"

"Kasi.. naririnig ko si Henry na nagsi-sleep talk.."

"Ahh... Siguro nga dapat mo ring malaman." She inhaled, then exhaled. "Kasi... nagkagusto si Henry kay Denzel dati, kaso may ibang mahal si Denzel kaya iyon yung pinili niya. Ang duda ko nga, nagresign si Henry hindi dahil sa mas maganda ang offer sa kaniya sa Bora kundi para lumayo kay Denzel."

Sinulyapan ko si Henry na tulog pa rin. "He must have been in so much pain..." At ramdam ko yun. I know the feeling because I've been there before. Yung di mo mapilit yung feelings mo kasi iba ang gusto niya. Pareho lang pala kami ni Henry.

"Sana nga nagka selective amnesia nalang siya tapos sa lahat ng tao... si Denzel lang yung di niya maalala. Para makapag move on na rin siya." Sentimyento ni Jenna.

I frowned. "Mas maganda yung naka move on siya dahil talagang naka move on na siya. Hindi yung nakalimutan niya lang kasi may amnesia siya. Babalik din kasi yung ala-alang naibaon sa limot at masasaktan lang siya ulit."

"Nasaktan ka na ba dati?" She asked. Gusto kong tumawa. Oo nasaktan ako at hindi yun 'dati' kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. At siguro patuloy akong masasaktan lalo pa't dumaragdag tong pang-aalipin at pangangawawa ni Henry sa akin.

"Pwede bang wag ko nalang sagutin yang tanong mo?" I smiled weakly.

"Ayos lang. Pero kung may problema wag mong solohin. Baka di mo kayanin," she smiled back.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now