Ch. 05

7.5K 172 4
                                    


Ch. 005
I Owe You One

"Ang tigas ng ulo kahit kailan." Umirap si Jenna habang pinapanuod namin si Henry na tamad na nakikinig sa mga sinasabi ng therapist niya.

Nasa ospital kami para sa therapy niya at nasa denial stage pa rin siya hanggang ngayon kaya di niya matanggap tanggap ang sitwasyon.

"Siguro... kung si Denzel lang yung nag-aalaga diyan, mas masunurin pa 'yan sa aso." I contemplated.

"Kaya din siguro siya masungit kasi alam niyang yung taong gusto niyang mag-alaga sa kaniya, pag-aari na ng iba." Ani Jenna.

Laking pasalamat ko sa mga santo dahil hindi na malupit itong si Jenna hindi gaya nung una kaming nagkita. Halos balatan ako ng buhay nito nun e.

Lumapit sa amin ang therapist tulak tulak ang wheelchair ni Henry. "Sino ang guardian niya?"

"Guardian? I'm old enough to take care of myself. Why would I need a fucking guardian?" Singit ni Henry.

"Ako po." Pagbabalewala ni Jenna sa tantrums ng pinsan. "Nasa States po parents niya kaya ako muna ang guardian niya. Cousin niya ako."

"Ah, sunod po kayo sa akin. May mahalaga lang akong sasabihin." Sabi ng therapist.

Tumingin sa akin si Jenna. "Dalhin mo muna si Henry sa garden. Kausapin ko lang yung PT."

What? Parusa! Pwede bang ako nalang ang kumausap sa therapist at si Jenna nalang ang magdala kay Henry sa garden?

"Sige." Pagsang-ayon ko pa rin dahil wala naman talaga akong option. Sino ba ang niloko ko.

Tinulak ko ang wheelchair palabas at papunta sa garden.

Ang ganda ng pagkaka landscape nito; it reminds me of our home in Buenos.

"I'm hungry. Bilhan mo ako ng sandwich." Biglang saad ni Henry. My brows furrowed. Alam ko na ito. Ginagawa niya na ito dati.

He asked me to get something tas pagbalik ko wala na siya. Ako tuloy yong nabembang kay Jenna.

"That tactic won't work, pedestrian boy. Hindi kita iiwan dito gaya ng gusto mo. Kung gutom ka, si Jenna ang bibili at hindi ako."

Ngumiwi siya. "I'm just wondering... ang sarap siguro sa pakiramdam kapag wala ka sa tabi tabi."

I felt a sting in my heart. Alam kong pangit siya magsalita but still his words offend me from time to time.

"That's precisely why you need to get up and walk. Para mawala na ako sa paningin mo." Sabi ko.

"So guilty ka." He stated.

"Oo, guilty ako kahit na kasalanan mo naman talaga kasi hindi ka marunong tumawid sa tamang tawiran." I grinned at the thought. Kasalanan  niya pero ako pa guilty. Bait ko noh? Pa canonize na kaya ako?

"Why are you grinning? Creepy girl.."

I ignored his remark and pushed his wheelchair.

"San moko dadalhin?!" Angal niya.

"Sa langit." I cajoled and he glared at me. Napangisi nalang ako sa naging reaksyon niya. "Joke lang. Sa cafeteria. Libre kitang sandwich."

It's funny how I seem to be back to my usual self. Naiwala ko kasi yung usual self ko nung nasagasaan ko si Henry and I'm so pumped now that I'm finally recovering as well.

"Dalawang sandwich tapos.. dalawang coffee." Order ko. "Paki dala nalang sa table namin kasi may pasanin akong kaybigat." Pagbibiro ko. Ngumisi naman yung cashier at may inutusang crew para dalhin yung order para samin.

"Pasaning kaybigat, huh?" He eyed me quizically and his brows were reaching the ceiling. Just wow.

"Oo, pasanin talaga kita. Hindi nga lang literal." I grinned as a mental picture of me carrying Henry flashed my mind. Pasan ko ang daigdig at literal. Shoot.

"You are one creepy girl." He commented.

"I know. Kumain ka na nga lang. Baka gusto mong subuan pa kita?" I raised a brow and he began to eat. Madaling kausap. Mabuti naman! Nadadala pala ng taray tong unggoy na to eh.

Since that moment I talked back ay medyo nag soften up siya. Well, he still curses from time to time, rejects me when I bring him food and is still insensitive, but I see improvements.

"Kilala ko yan! Nakita ko dati yan sa Serafina. Omg bakit ganiyan? Naka wheelchair!" I heard someone from the other table say.

"Girlfriend niya ba yang kasama niya? Kawawa naman, baldado na jowa niya. Hahaha!" Another one said.

I looked at Henry and he lowered the sandwich down. Gusto niya na sigurong manapak by now kung hindi lang babae yung mga yun at kung hindi lang siya naka wheelchair.

"Dati ang hot niya tas ngayon pabigat nalang! Buhay nga naman!" Satsat pa nung isa.

Umuusok na sa galit si Henry pero bago pa man siya sumigaw o magtantrums o magmura o dumampot ng kung ano para ihagis don sa mga chismosa, nakatayo na ako at nakalapit na sa mesa kung nasaan ang mga tampalasang babae.

"Naka-wheelchair siya kasi naaksidente siya, which is none of your business. Hindi siya pabigat at hindi rin niya ako girlfriend. Bago kayo mangialam sa buhay ng may buhay try niyong manalamin. " Patutsada ko. "Di niyo atupagin yang make up niyo, hindi pantay yung kilay ng mukha sa leeg."

Akmang tatayo sana yung isa para sagutin ako pero inunahan ko na siya.

"Go ahead and show the world what kind of person you truly are." Sabi ko.

Pinilit siyang umupo nung kasama niya lalo pa't marami nang nakatingin.

Bumalik naman ako sa table namin para kay Henry sabay tulak na sa wheelchair niya palabas ng cafeteria.

"Ang hirap ng sikat, ano?" Sabi ko. "Sa susunod mag bonnet ka o mag wig ha?" I let out a fake laugh. "Ayoko nang makibaka sa mga fans mo."

"Paige..."

Parang tumigil ang mundo dahil tinawag niya ang pangalan ko. First time! Hindi ko nga expect na alam niya pangalan ko eh.

"Bakit?" Tanong ko, my heart racing and I don't even know why.

"What was that for?" Aniya.

"Which one?" I asked, puzzled.

"Bakit mo sila pinatulan?" Aniya.

Pinatulan? So dapat hindi ko nalang sila sinagot? Kamusta naman yung karapatan kong ipagtanggol ang naaapi?

"Kasi wala na sa lugar ang mga sinasabi nila. Wala silang alam and yet ang lakas ng loob nilang—"

"Salamat." He said, cutting me off. "You shouldn't have done that but thank you still. I owe you one."

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now