Ch. 21

5.7K 143 7
                                    

Ch 021
I'm In Trouble

Kakapasok lang namin ni Henry sa bahay nang may narinig akong isa pang kotseng dumarating. I paused to look at who it was, and it surprised me that it was my dad.

Nasurpresa rin siya nung nakita niya ako, pero mukhang mas nasurpresa siya sa lalakeng nakatayo sa tabi ko.

"Good evening, Sir." Henry greeted him.

"Hi Dad." I kissed him on the cheek and gave him a hug. "Hinatid ako ni Henry dito soon as I learned about Trench."

"Is that so?" Dad replied. "Thank you, then." Aniya kay Henry. "You should stay for the night. Paige will tell the househelp to fix your room while we talk over a cup of tea."

Pak. Ano na naman ang pag-uusapan ng dalawang ito? Kinakabahan yata ako.

"I'll fix the room, dad." Sabi ko. "Maraming gawain si Nanang pag ganitong oras. Ako nalang po."

"Okay, then." Sagot naman ni daddy. Iniwan ko na sila at inayos ko na ang guest room kung saan tutuloy si Henry.

Pagkatapos kong masiguro na presentable na ang silid, lumabas ako at nakita ko si Henry na nasa living room mag-isa.

"Si Daddy?" I asked.

"Nagpahinga na. Ikaw, hindi ka pa ba matutulog?" Aniya.

"Not until I make sure na nakatulog ka na. Baka kasi may kailangan ka, sino nalang ang mag-aasikaso sayo, diba?" Sabi ko. "Hospitality is the new best policy."

"Joke 'yun?"

"Leche ka rin eh no? Di ka pa ba matutulog? Saka wala ka na bang lagnat? Nakalimutan kong may sakit ka din."

Sa sobrang occupied ng utak ko, nakaligtaan ko yung lagnat niya.

"Wala na." Sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya at nilagay ko ang likod ng palad ko sa kaniyang noo. Wala na nga.

"Walang tiwala." He murmured.

"Can't I check it myself para hindi ako nag-aalala?" I shot back.

"Nag-aalala ka?" Panunuya niya.

"Aba siyempre, kapag napano ka baka sisihin mo pa ako, noh!"

"Mukha ba akong walang kwentang lalaki?" Aniya. "Maninisi nalang ba ako ng inosenteng tao?"

"Oy ikaw nagsabi niyan ah!" Humalukipkip ako. "Magpahinga ka na nga. Bukas pwede ka ng umuwi."

"I think that won't be possible." He replied.

Nagtaas ako ng kilay. "At bakit naman?"

"Your dad invited me to his upcoming birthday party." Sagot niya.

Right. I almost lost track of time. Dalawang araw nalang pala, 50th birthday na ni Dad. He asked Henry to stay until then?

"How about work?" Tanong ko.

"I'm actually thinking of giving up my position in Paragon. May nabanggit kasi yung dad mo na may itatayo na hotel dito sa Buenos Grande at kailangan nila ng qualified candidates to become pioneer employees of the hotel. Dadating daw yung businessman na 'yun sa birthday ng dad mo. So I agreed to stay til then." Paliwanag niya.

"Wala pa man kasiguraduhan na magtatayo nga sila ng hotel dito. That is still a plan that is dependent on the reconstruction of the tourist spots here in Buenos. Who would stay in that hotel kung wala namang turistang mapapadpad dito?" Sabi ko. "At bakit maghohotel ang mga taga dito kung may bahay naman sila? Wala kayong target market."

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now