Ch. 04

7.9K 166 0
                                    


Ch. 004
Before You Argue With Me

Pabalik balik si Jenna sa chapel para magpasalamat sa Diyos nung sinabi ng doktor na pwede ng umuwi si Henry.

Wala naman siyang ibang complications maliban nalang sa nahihirapan nga siyang tumayo at maglakad. Pwede naman daw na sa malapit na ospital nalang mag therapy si Henry para makauwi na ito sa Pampanga.

Hinayaan na siya na mag resign dito sa Aklan dahil sa kalagayan niya. Walang mag-aalalaga sa kaniya dito kaya naman kailangan niya ng umuwi sa Pampanga.

Alas dos ng hapon kinabukasan ay tumungo kami sa airport. Walang direktang sinabi na dapat akong sumama, pero pinag-impake rin ako at hindi naman ako umangal. Kung kailangan kong sumuporta habang nasa proseso siya ng therapy, gagawin ko. Maibsan man lang itong guilt na nararamdaman ko.

Pag okay na si Henry at nakakalakad na siya ulit, pwede na akong bumalik sa Aklan.

"Sinabi mo na ba sa mga magulang mo ang tungkol dito?" Tanong ni Jenna habang pasakay kami ng eroplano. Ngayon pa talaga niya natanong ah?

"Hindi pa. Saka nalang siguro." I smiled weakly and she just nodded. Ewan ko, hindi ko lang trip sabihin sa kanila ang sitwasyon until it's over. Ayoko ng dagdagan ang kanilang mga iniisip.

Tulog kami buong duration ng byahe dahil na rin sa kakulangan ng tulog sa ospital. Isang oras lang ang naging byahe ay tanaw ko na ang paliparan ng Clark, Pampanga. This is going to be my home for the mean time.

•••


Weeks flew so fast without me realizing it. Henry's getting better, but he's still as mad as when he first woke up.

"Si Henry?" Tanong ko kay Jenna na nag-didinner mag-isa. Galing ako sa kwarto dahil naligo ako at nag-ayos ng mga gamit. I bought myself toiletries dahil ayaw ko ng pati iyon tinatanggap ko ng libre. Libre ang pagtira ko dito at pagkain. Serbisyo ko lang ang tangi kong na-i-ooffer dahil yung expenses niya sa pagpapagaling ay hindi na galing sa akin.

Nung sa Aklan, oo.

Pero dito hindi na.

And he just wants to get rid of me. Ako lang yung may ayaw kasi nga dahil sa guilt ko.

Alas otso na ako bumaba at heto, mag-isa lang si Jenna na kumakain.

"As usual, ayaw ni Henry kumain. Alam mo, Paige, kahit na pinsan ko yan napupuno na rin ako, eh!" She stabbed the piece of meat harshly.

"Susubukan kong magdala ng food sa kwarto niya." I uttered and she rolled her eyes.

"Magsasayang ka lang ng effort. Kumain nalang tayo. Hayaan mo siya. Kakain din yun pag nagutom." Ani Jenna.

"I insist. Dapat kong subukan, diba? Isa pa, gusto kong mawala tong guilt na nararamdaman ko and this is the only way to do that."

Naglagay ako ng plato at ulam sa tray. Sinamahan ko na rin ng isang glass ng juice.

I knocked three times bago ko binuksan ang pinto at ipinasok ang trolley kung saan nakalagay yung tray.

"Henry..."

"Get lost." He said. Agad agad. Ni hindi pa nga ako nakakakuha ng bwelo. Tumatayo na ang balahibo ko sa takot pero kailangan ko pa ring subukan ulit.

"Kahit konti lang..."

"Ayoko sabi!" He shouted. "Hindi ka ba marunong umintindi?"

Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya ng tumulo. Kelan ka pa naging iyakin, Paige?

"Alright. Kapag nagutom ka tawagin mo nalang a—"

"Bakit ka pa ba kasi sumama dito?!" Singhal niya. "Dahil sa guilt?! Dahil sa kunsensya?! Did I tell you to come with us?!"

Shit. Akala ko given na 'yun.

I averted my gaze para hindi niya makita ang mga mata kong isang kalabit nalang luluha na ng sandamakmak na tubig.

"Pwede ka ng umalis sa bahay na to kung gusto mo." He added.

Aba, gustong gusto ko ng umalis dito, noh! But I'll stand my ground and stay true to my promise. "No. I'm staying. Kapag okay ka na, aalis din ako. Kaya bilisan mo at magpagaling ka na kung gusto mo na akong umalis."

"Magpagaling? Dammit! Wala akong sakit! I'm fucking healthy! Makakaalis ka na!"

Kung balak kong tuparin ang pangako ko ay dapat magpakatatag ako. Kung magpapakita ako ng kahit isang hint ng kahinaan ay baka hindi ako abutin ng isang buwan sa pamamahay na ito. Kung matapang si Henry, pwes, kailangan ko iyong tapatan.

Ibinaling ko ang paningin sa kaniya.

"Hindi ka bulag at nakikita mo kung saan ka nakaupo. Sa isang wheelchair. May problema ka sa paglalakad and before you argue with me make sure you know how what pedestrian lanes are for!"

Damn. I talked back for the very first time.

"You were lucky hindi kita tinakbuhan. Or worse, tinuluyan nalang sana kita para hindi ako nahihirapan ngayon. I know I caused you this but can't you see me making up for what happened? Hindi ko sinabing kaibiganin moko. But atleast treat me the way a human is supposed to be treated. I know I deserve that at the very least." I added before going out, shutting the door behind me harder than usual.

When The Heart Beats (Completed)Where stories live. Discover now