Intruders

5.9K 146 4
                                    

Wahhh...sorry ngayon lang ako nakapag-UD. Sorry po!

Namiss ko rin kayo...

comment and vote

Thank you!!!!!

------------------------------

~Nathalie~ 

"Julian ano ba?!" Nagulat na lang ako nang binuhat niya ako palabas ng kotse niya. 

Sabi ko sa kanya kunin niya lang ang wheelchair pero nagulat na lang ako nang binuhat niya ako na walang sabi-sabi. 

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para hindi ako mahulog. Bridal-style na pagbuhat niya sakin. 

"Noon ko pa to gustong gawin." Sabi niya habang nakangiti sakin. 

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nag-bublush na pala ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bagong kasal lang kaming dalawa. 

Nang makapasok kamim sa bahay ay sinirado niya ang pinto gamit ang paa niya. 

"Oh pwede mo na akong ibaba." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman sa kanya dahil baka nabigatan na siya sakin. 

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa siyang naglakad papunta sa itaas. Napataas ako nang kilay nang nadaanan na naming ang kwarto ko. 

"H-hoy, saan mo ko dadalhin?" Tanong ko sa kanya. 

"Sa kwarto natin." Nakangising sagot niya sakin. 

Napatingin ako bigla sa kanya sa sinabi niya. 

"N-Natin?" 

Tumango lang siya at binuksan ang kwarto niya. 

"Kwarto na natin to. Inilipat ko na ang mga gamit mo dito." 

Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya. At napansin ko na may gamit rin ako dito. 

Binaba niya na ako sa kama. 

"Magkasama na tayo sa iisang room." Pasimpleng sabi niya sakin at hinalikan ako sa noo. 

"Did I agree?" Tinaasan ko siya ng kilay. 

Napa-pout siya sa sinabi ko. Noon niya pa ako pinipilit na magsama kami sa iisang room lang. Dahil nga hindi pa ko ready. Baka magahasa ko pa siya...-este matulak siya sa kama. Minsan malikot ako kapag tulog. 

"You don't have choice, babe. Magkasama na tayo sa iisang kwarto mula ngayon." Ngumisi siya at kumindat pa. 

"Ayaw!" Parang bata na nakapout ako. 

"Babe naman eh. Shige na~" Umupo siya sa tabi ko at saka niyakap niya rin ako. 

"Hindi ko nga gusto." 

Napasinghap ako nang naramdaman ko na hinalikan niya ako sa pisngi. 

"Hoy! Bakit may kasamang chansing!" Sinigawan ko siya at pilit na pinalayo sakin. 

"Wifey, hindi yun chansing kundi lambingan ng mag-asawa." Ngumisi pa siya sakin at hinalikan ako sa labi. Smack lang naman. 

"Nakakarami ka na ha. Sapakin kita dyan eh." Hinarap ko siya habang nakatingin sa kanya ng seryoso. 

Infairness, kilig to the bones ako ngayon. Nakakahiya naman kung ipakita ko sa kanya. 

"Julian!" 

Nagulat ako nang tinulak niya ako sa kama at dumagan siya sa itaas ko. 

Nakatingin lang siya sakin. Straight in my eyes. 

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon