Takot

5.8K 144 13
                                    

Comment and vote kayo ha.. hehehehe

-------------

~Julian~

Gusto kong magwala. Gusto ko siya habulin pero naalala ko na magkasama sila ni Gab at yun ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tinignan ko ang annulment paper.

So, we're free now. Napirmahan niya na.

"The hell..." Pabulong na sabi ko nang tumulo na naman ang luha ko. Kanina ko pa to pinipigilan para hindi makita ni Nathalie.

Ano ba ang nagawa ko at sinabi ko yun? I just let myself find my own darkness. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya at yun ang hindi ko gustong makita. Ako na ang may kasalanan. At ngayon, ito na ang karma na ginawa ko.

Siya lang ang gusto ko sa buhay, niwala ko pa. Hindi ko nga kayang mawala siya, pero ano ang ginawa ko. Tinulak ko lang siya palayo sakin.

Nag-ring ang cellphone ko. Unknown number.

'Hello?'

(Is this Mrs. Nathalie Alcantara's husband?)

Bakot nakaramdam ako ng takot nang narinig ko ang boses ng isang tao na hindi ko kilala.

'Yes, ako nga.'

(Sir, sinugod ang asawa nyo sa **** hospital. Naaksidente po siya. A car accident.)

Nahulog ko ang cellphone ko dahil sa gulat. Nakabahan ako at natataranta kung ano ang gagawin dahil sa narinig ko.

Tumakbo ako palabas ng bar at nagdrive papunta sa hospital.

I hope she's okay. Hindi ko kakayanin kapag meron naman mangyari sakanya. Siya na lang ang buhay ko. Dahil sa aksidente 2 years ago, paranoid na ako pagtungkol kay Nathalie. Hindi ko siya gustong mapahamak.

~Nathalie~

Tumakbo ako palabas ng bar habang umiiyak. Hindi ko kakayanin kung makikita ko naman siya. Ang sakit ng ginawa niya sakin. Pinaasa niya lang ako.

Akala ko pagbumalik na ako ay yayakapin niya ako at sasabihin na mahal niya parin ako. Pero mali ako, gusto niya na ng annulment at yun ang mas masakit.

Bumalik ako para sa kanya pero nilayo na ako.

Sumakay ako sa taxi. "Manong, magdrive ka lang. Sasabihin ko na lang sayo kung pababa na ako." Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Bahala na, gusto kong lumayo dito.

Nakatingin lang ako sa labas, tulala na naman.

Wala na kami. Wala ng nagmamagitan samin. Akala ko mahal niya ako. Pero mali ako eh. Nagmukha pa akong tanga kanina na sinagawan ang babae.

Hindi ko napigilan ang luha ko nang naalala ko naman ang sinabi niya. 'Free' bakit ganun? Noon gustong gusto naming maghiwalay ngayon hindi ko gusto. Mahal na mahal ko na yata siya. Hindi ko kayang mawala siya pero wala na eh. Wala na akong karapatan sa kanya. We're like strangers again.

Napatingin ako kay manong driver nang parang gumigiwang ang sasakyan. At siya rin na parang nag-papanic na.

"Manong, ano pong problema?" Tanong ko. Ramdam ko ang kaba.

"Ma'am, nawalan tayo ng prino."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa labas at nakita na nasa gilid kami ng bangin. May naramdaman akong takot sa nakita ko.

Merong bumusina sa harapan namin. Isang truck na mabilis.

Napapikit ako. Maghigpit ang hawak ko sa mga kamay ko.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon