Past

7.1K 169 5
                                    

~Nathalie~

Napabangon ako nang naramdamn ko ang sakit ng ulo ko. Uminit pa ang mga mata ko.

Napabuntong hininga ako nang naalala ko ang nangyari kahapon. Umiyak ako ng umiyak hanggang nakatulog ako.

Sino ba ang hindi masasaktan kung ang tao na minahal mo ay sinaktan ka niya? Masakit diba?

I trusted him not to hurt me. Ano ba ako sa kanya? Isa lang naman na babae na naging asawa niya dahil sa isang kasalan. For the very start, kinamumuhian na namin ang isa't isa. Walang love sa pagsasama namin sa una.

Sana hindi ko na siya minahal. Para hindi na ako masaktan ng ganito.

Hindi ko namalyan ay umiyak na naman ako.

Umikot ang tingin ko sa kwarto. Nasaan nga pala ako?

"Gising ka na pala."

Napalingon ako sa pintuan.

Si Gabrielle at may dalang pagkain habang nakangiti. Nilapag na iyon sa side table.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya. Mahina ang boses ko dahil sa kakaiyak.

"Hindi ko naman pwede kang iwan kagabi baka mapano ka pa."

"Paano mo nalaman na nandon ako?"

"Tinawagan ako ni Julian."

Susubuan niya sana ako pero kinuha ko ang kotsara sa kanya. Wala akong gana.

"Si Julian?"

Nasaktan ako. Siya pa ang tumawag kay Gabrielle na puntahan ako. Nilalayo na niya ako at pinipilit niyang maging kami ni Gabrielle.

Tumango siya at susubuan na naman niya ako. Umiling ako na hindi ko gustong kumain.

"Nath, kumain ka. Baka magkasakit ka niyan."

Hindi ko siya pinansin at tumayo ako.

"Uuwi na ako. Salamat." Sabi ko sa kanya at bubuksan na sana ang pinto nang nagsalita siya.

"Babalik ka sa kanya?" Sabi niya. Rinig ko ang pagkontrol ng galit niya.

"Oo." Simpleng sagot ko sa kanya.

I don't care what's our past. Si Julian na ang mahal ko. alam ko na nasasaktan rin siya, pero I don't want to hurt him more. Hindi niya mapipilit sakin na mahalin siya.

"Nathalie, please makinig ka sakin. Ako, ako ang totoong mahal mo."

"Gab, I'm sorry."

"Alam ko na hindi mo naalala ang pagsasama natin. Let's try it again o kaya tutulungan kitang aalahanin ang lahat."

Napasinghap ako nang naramdamn ko ang pagyakap niya sakin.

"Gabrielle, kaibigan kita at hindi ko gustong masaktan ka, pero mahal ko si Julian." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi ako ang magpapaligaya sayo, Gab. You'll find someone more deserving than me."

"Nathalie, bumalik ako dito para sayo dahil alam ko na mahalin mo ulit ako."

"I'm sorry, pero hindi kita naalala Gab. Naguguluhan ako kung bakit ikaw ang hindi ko maalala."

Bumuntong hininga siya at tumingin sakin. "I'll tell you everything."

Wala na akong pakealam kung ano ang nangyari noon. Pero I want to hear it, to understand Julian. Gusto kong malaman kung bakit sinisisi niya ang sarili niya.

...

...

...

Nasa balkonahe kami ng apartment niya. Mag-isa lang pala si Gabrielle dito sa Pilipinas. Sa sinabi niya kanina, bumalik siya dito para lang balikan ako.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon