Asawa~

6.9K 187 2
                                    

Happy 6k!!! shalamut sa lahat. mwah!

Short ud lang po to. Sana magustuhan niya.

Ang hirap gumamit ng phone kapag mag-Ud.

Saka comment din po kayo~
-------
~Nathalie~

Nakahinga ako nang pinahinto na ni Julian ang sasakyan. Kung hindi niya pa yun ginawa, hindi ko na alam ang mangyayari sakin. Wahhh~

"Nath, Okay ka lang?" Tanong ni Julian sakin.

Pinandilatan ko siya. "HINDI!"

"Makasigaw naman to." Nag-pout pa siya.

Hindi ko na lang pinansin siya at lumabas na. Baka masakal ko pa siya kung matagalan ako sa loob ng kotse niya.

"Nice bro!" Napatingin naman ako sa dalawang mokong na nagtatawanan na pagkatapos ng mala-car racing nilang bilis.

"Ano ba yan? Ako na naman ang panalo." Nagkibit balikat si Julian habang pinagmamalaki na natalo niya ang kaibigan.

"Sa paguwi naman. Ako ang plano mamaya." Ngumisi pa si Daniel at tinapik pa si Julian.

*Pak*

"Aray! Nakakatatlo ka na ha. Natalo ako dahil kanina mo pa ako binabatukan." Inis na sabi ni Daniel na naka-pout pa at hinihimas-himas ang ulo.

"Yan ang napapala mo. Parang lilipad na tayo dahil ang bilis mo." Sinigawan ni Jessica si Daniel.

Hindi na nakapagsalita si Daniel dahil pinandilatan pa ni Jessica. Sino pa ba ang magdedebate sa kaibigan ko. Parang nakalunok ng megaphone yan kapag galit at saka hindi nauubusan ng rason.

"Tara na nga, Nathalie. Baka maitali ko pa yan sa kotse niya." Hinila na ako ni Jessica palayo sa kanila.

...

...

...

Marami-rami rin ang nabili namin ni Jessica. Ang dalawang unggoy ang nagbitbit ng mga pinamili namin.

Napahinto kaming dalawa dahil hindi na namin narinig ang pag-aaway nila sa likoran namin. Kanina pa sila nag-aaway kung sino ang magbitbit ng maraming paper bags.

Napalingon kami at yown na...Nakita namin sila pinapalibotan ng mga linta este mga babae na ginawang drawing book ang mga mukha.

Sinimaan namin sila ng tingin. Ang mga ulul naman ay hindi napansin ang mga tingin namin at nagkekwentuhan pa sa mga babae.

"JULIAN/DANIEL!" Sabay naming sigaw sa kanila.

Napahinto naman sila at tumingin saming dalawa. Nakita ko na napalunok pa sila.

"Sino ba sila? Mga alalay?" Tanong naman ng isang babae. Makahawak kay Julian wagas.

Lumapit kami sa kanila. Nakita namin na napa-atras naman sila. Alm na nila na galit kami. Sinama nga namin sila para meron kaming kasamang lalaki pero nabinwit pa sila ng mga linta.

"Sino ba kayo?" Tinignan pa kami ng mga babe ulo hanggang paa.

Hindi ko na sila pinansin at sinimaan ng tingin sina Julian at Daniel. Hindi na sila nakakilos habang nakatingin samin.

"Wala kayong pake kung sino kami. Dahil kami ang magtatanong kung sino kayo." Sinimaan ng tingin ni Jessica ang mga babae.

Makakapit sila parang sila pa ang nagdala sa mga unggoy na to.

"At kayong dalawa." Pinandilatan ko pa sila. "Don't talk to STRANGER!!!" Idiniin ko pa ang salitang 'stranger' sa kanila.

"Kayo ang stranger. Pasulpot-sulpot nga kayong dalawa at makasigaw parang girlfriend nila kayo." Kumapit naman ang isa kay Daniel.

Sumama pa ang aura naming dalawa at ngumiti pa sa kanila.

"Okay, kung yan ang gusto niyo." Kalma na sabi ko sa kanila.

Hanggang ngayon ay walang imik ang dalawa. Mga estatwa. Kanina pa kami nag-aaway ng mga lintang to at nakatayo lang sila. Wow moral support...

"MAG-SAMA KAYO!!!" Sigaw namin ni Jessica sa kanila at nag-walk out na.

"Sorry, totoo ang sinabi nila. Girlfriend namin sila." Narinig ko ang sabi ni Julian.

"Anong girlfriend?!" Lumingon pa ako sa kanila.

Nakita ko napatingin silang lahat sakin. Si Julian naman ay hindi na nakapagsalita.

"Yun naman pogi. Ako, pwede mo akong maging girlfriend." Makahimas ng balikat ni Julian wagas with matching flirty smile pa.

"Hindi ako ang girlfriend niyan." Sabi ko sa kanila. "Dahil ASAWA niya ako." Dugtong ko pa.

Nakanga-nga pa silang lahat na nakatingin sakin. Gulat na gulat sa sinabi ko.

"Speechless? tss..." Tumalikod na ako. "Hoy Mr. Alcantara, kung hindi mo gusto matulog sa labas sumunod ka na." Pahabol na sabi ko sa kanya at nagwalk out.

"Oy sorry na, wifey~" Alam ko na nakangiti siya dahil sa masaya niyang boses.

Narealize ko lang ang sinabi ko. Bakit sinabi ko yon? Pinagsigawan ko na kasal na kami. Aurgh...nakakahiya.

Ikaw kasi Nathalie eh! Hindi ka na nakontento...

tss.. dahil nagseselos ka...

Hindi ako naseselos. Shut up!

Denial...

"Hoy!" May biglang sumigaw sa tenga ko.

"Ay kabayo!"

"Si Julian ang iniisip mo noh?" Si Jessica lang pala.

"Ay ewan." Ito pa ang isa. Hindi nga ako maka-move sa sinabi ko.

Tumawa pa sita. "Hindi ka pa nakontento, asawa ang mas gusto mo."

"Shut up." Pinandilatan ko siya at naglakad palayo.

Nakakahiya...

"Wifey~" Ay bwisit na lalaking to. Inilagay pa ang braso niya sa balikat ko. Parang gusto ko na nga maglaho pero ang isang to ipinaalala naman ang kahihiyan na ginawa ko.

"Kunin mo yang braso mo, kung hindi mo gusto ng putulin ko yan." Pinandilatan ko siya. Naiinis ako..naiinis ako sa sarili ko.

"Aw, asawa mo ko. Labs mo rin ako." Ngumiti pa siya sakin.

Huminto ako at sinimaan ko siya ng tingin. Tinukso pa niya ako.

"Julian, tumahimik-...." Hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan niya ako.

Nakangiti lang siya habang nakatingin sakin.

"Gusto mo pa?" Tanong niya.

Parang lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko. Ang pula-pula ko na. Ang puso ko, makatibok wagas...

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon