Accident

9.2K 227 2
                                    

~Nathalie~ 

Hanggang ngayon, hindi parin maalis-alis ang sinabi niya sakin. Siya na ilang buwan niya na akong kasama at lalong kasal pa kami, siya pa ang unang nag-judge sakin. Ako pa to ang masama. 

I hate him. 

"Nath, ano ba ang nangyari? Kanina ka pa tulala dyan." 

Napatingin ako kay Jessica na nasa harapan ko at parang kanina niya pa ko hinihintay na magsalita.

Nilalaruan ko ang pagkain ko. Wala naman akong gana. Naiinis parin ako sa sinabi niya kahapon.

"At saka ba't ang aga mong pumunta dito?" Tanong niya sakin.

"Hindi ba pwede?" Napataas ang kilay ko. Dapat hindi niya mapansin.

"Ikaw? Pupunta dito ng mas maaga?" Hindi nga siya naniwala. "Hulaan ko, iniiwasan mo ang asawa mo noh?"

Lolokohin mo na ang lasing, hindi lang ang kaibigan ko. Nalaman niya ang rason. Siya pa, alam niya ang lahat tungkol sakin. 

"Tama ako noh? Walang nagbago sa pagsasama niyong dalawa."

"Huwag na lang nating pagusapan. Wala akong pake sa kanya." Sabi ko na lang para makaiwas ng mga tanong niya.

Mahirap niya, baka iba ang iisipin niya sa sasabihin ko.

Sana nga....I hope we're the same as old times. Away lang ang ginagawa namin. No attachment.

"Uhm....I think dapat kayong magusap." Biglang sabi naman ni Jessica. 

Anong kinain nito? Gusto niya bang merong digmaan ang mangyayari kapag mag-uusap kami?

Kumunot ang noo ko nang napansin kong hindi ako ang tinitignan ni Jessica kundi ang nasa likod ko. 

Napanguso si Jessica sa likoran ko. Sinundan ko naman ang tinitigan niya... 

Patay...bakit ang early nya ngayon? 

Hindi ko pa kayang magsagutan sa kanya. Baka masakal ko pa siya ng walang oras.

"Don't dare to leave me here." Banta ko kay Jessica at sinamaan siya ng tingin.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Jessica. Baka iwan na naman niya ako dito. Hinila ko na siya palayo roon. 

"Oy Nath, ano ba? Dapat kayong mag-usap. Parang ang laki ng issue niyo ngayon ha." Sabi ni Jessica at pinipigilan akong lumabas. 

"Bahala siya sa buhay niya." Sabi ko at patuloy sa paghila kay Jessica. 

"Nathalie!" 

Narinig ko pa siyang tinawag ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Hmp! Akala niya sakin, mapapatawad ko siya agad-agad.

"Get the hell out of my way, Nerdy!"

Nasa labas na kami ng canteen ng meron akong narinig na tumumba at sigawan. Napahinto naman kaming dalawa ni Jessica at nagtinginan. 

Parang parehas kami ng iniisip.

Nanglaki ang mga mata ko nang narinig ko ang mga bagsakan at mga sapak. 

Dali-dali kong binitawan si Jessica at bumalik sa loob para malaman kung sino ba ang nagkakagulo.

"Julian!" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Nakita kong binubugbug nila si Julian. Parng wala lang kay Julian ang ginagawa nila. Nakatingin lang siya sa baba habang tinatadyakan at sinasapak siya.

Maraming mga estyudyante na nagtatawanan habang pinapanoud ang bugbugan.

Tumakbo ako papunta sa kanya nang nakita ko ang isang lalaki na hahampasin na si Julian ng silya. Hala! Hindi pwede. Baka mapano siya sa gagawin nito.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon