Akala lang

7.9K 172 5
                                    

Happy 3k readers to all. Maraming salamat sa lahat na nagsusuporta ng story ko. Sana hindi kayo nagsawa sa pagbabasa nito. Btw, ini-edit ko pa to dahil maraming mali ang mga salita at iba pa.

Please vote and comment. <3

-----------

~Nathalie~

"ahem...awkward ba?" Lumingon naman ako kay Kuya nang dumaan siya sa likod namin.

Kumakain kami ng almusal habang kasama sina mama at papa.

Napatingin naman ako kay Julian nang parehas kaming lumingon kay Kuya. Napatawa naman si Kuya habang umupo sa gilid namin.

"Good morning." Idiniin niya pa ang salitang 'good' samin.

"Anak, bukas na kami aalis." Sabi ni mama.

"Bakit ang aga. Ilang araw pa lang kayo dito." Napa-pout naman ako. Miss ko rin sila at ilang araw lang sila dito.

"Sorry baby girl, meron pa kong trabaho aasikasuhin." Sabi ni papa. "Promise ko, magbabakasyon tayo sa susunod."

"Sige na nga po. basta sa susunod isang buwan." Ngumiti pa ako. Eh hindi niyo ako masisisi, daddy's girl ako.

"Meron akong good news." Napalingon naman kami kay Kuya.

Nakangisi siya saming lahat. "I'll be here for good."

"Totoo ba yan kuya?" Napangiti naman ako. Hindi na aalis si Kuya. Noon na doon siya sa state nagtatrabaho, once or thrice lang siya nagbabakasyon dito sa pinas.

"At saka, Nakabili na ko ng bahay." Sabi ni Kuya.

"Bahay? Eh dito ka nalang, kuya."

"Hindi ko naman gusto na sirain ang precious moments niyong dalawa. So nakabili na ako ng bahay. Pwede mo ko doon mabisita." Napangiti naman siya.

Sumimangot naman ako. Alam ko ang iniisip niya sa precious moments na sinabi niya. Tinutukso niya lang kaming dalawa.

Patay, kami nalang ang maiwan sa bahay na to. Awkward yun. Ako at siya.

Nathalie don't think something weird na naman. Babalik rin ang daily routine niyo pagkatapos nito. Babalik ang pag-aaway niyo.

"Ma, mauna na kami baka ma-late kami." Napatingin naman ako kay Julian na tumayo na.

"Nathalie, tayo na." Sabi niya sakin.

Napatayo naman ako habang nakatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na ganyan pala ang sinusuot niya.

"Okay, mag-ingat kayong dalawa." Sabi ni mama na nakangiti.

Tumango kami at lumabas na ng bahay.

"Julian, ba't yan ang ayos mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ano? Ito naman ang normal na ayos ko ah." Sabi niya sakin na parang ang obvious ng tanong ko sa kanya.

"Hindi eh, ang Ethan."

"Wala na siya." Kalmado na sabi niya sakin.

"ANO?!" Napasigaw na naman ako.

"Joke lang." Ngumisi pa siya.

Napakunot-noo naman ako sa joke niya. Pinalo ko siya pa siya sa balikat.

"Aray naman!" Nagreklamo pa ang ulol.

"Ang corny ng joke mo!" Pinalo-palo ko siya.

"Bakit ba nagulat ka sa sinabi ko? Mas gusto mo ba si Ethan kaysa kay Julian." Napatingin siya sakin at naghihintay ng sasabihin ko.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon