Worried for a reason

16.7K 417 24
                                    

Author's love letter: Labyu <3

Julian Alcantara, the pogi (Photo)

---------------------------

~Julian~

kanina pa namin hinahanap si Nathalie pero nabigo parin kami. Pinag-alala na naman niya ako. Lagot ako kay papa kung may nangyari sa kanya.

"Oy Bro, tumigil muna tayo, pwede? Gutom na ko. Kain muna tayo." Yaya ni Dan sakin.

Mag-dadalawang oras na kami naghahanap sa kanya pero hindi pa rin namin nahahanap. At saka, gumagabi na. Baka mapano pa yun kung hindi pa namin siya mahanap.

"Mamaya lang. Hanapin muna natin si Nathalie." Sabi ko.

"Bro, hindi naman bata ang asawa mo. Alam niya kung paano umuwi. Baka gumala lang yun."

"Alam mo naman na parang bata yon."

"Sige na bro. Ayon ho may mall doon. Tara na kumain muna tayo." Nakanguso pa siya habang nakaturo sa malapit na mall.

Bakit ba sinama ko pa siya? Palagi na lang nagrereklamo.

"Sige na nga. Ang Kulit mo." Hindi ko naman matiis ang ulol kong kaibigan.

"Yay love you!" Yayakapin niya sana ako nang pinigilan ko siya.

"Don't you dare do that or itatapon kita sa bentana. Bakla ka." Tinulak ko siya palayo sakin.

"Ouch naman. Hindi ako bakla noh. I love girls especially yung you know..." Ngumisi pa siya sakin habang nakahawak sa dibdib nya.

I rolled my eyes. Siya lang naman ang no. 1 playboy sa school namin. Nagugustuhan siya ng mga babae sa school at killer smile daw.  Gusto niya naman na hinahabol siya ng mga babae. Enjoy daw. Daming pick up lines pa yan. Inaralan niya pa yan para daw kiligin ang mga babae sa kanya.

"Hindi ako interesado." Hindi naman talaga ako interesado. Yan kung bakit binabago ko sarili ko kapag nasa school namin. I don't like getting attention.

"I understand you pare. Dahil gusto mo lang ang sa asawa mo o baka ikaw talaga ang bakla?" Ngumisi pa siya sakin. Ano ba ang pinagsasabi ng ulol na to.

"Paker! Hindi!" Pinandilatan ko siya.

"Hindi edi Hindi. Defensive naman to." Pinipigilan niya ang sariling tumawa.

Ang sarap sapakin ang ulol na to. Totoo, wala akong pagnanasa sa asawa ko. At saka kung meron, baka sapak na ang matitikman ko kay Nathalie.

Hindi ko naman masapak ang isang to, baka mabugbug pa ako ng mga babae niya.

Kaibigan ko naman tong ulol na to noon pa hanggang ngayon. At alam niya rin kung bakit naging nerd ako. Speaking of being nerd.

.

.

.

.

Shit!

Nakalimutan kong dalhin ang eyeglasses ko. Akala ko makikita ko lang si Nathalie na hindi lumalabas ng kotse. Patay ako nito kung may makakita sakin.

"Patay..."

"Oh bakit? Sinong patay?"

"Baka meron makakita sakin." Problemadong sabi ko sa kanya.

"Iniisip mo pa ang padidisguise kaysa sa asawa mo." Hindi siya nakatingin sakin. Nakatingin lang siya sa harapan dahil malapit na kami sa mall.

"sino ba dito ang gustong kumain bago hanapin ang asawa ko?" 

"Bro, kinaladkad mo lang ako at samahan ka maghanap ng asawa mo. Hindi ako chaperon pare." 

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon