Ang Kulit

8.5K 207 10
                                    

Sorry, ngayon lang ako  naka-ud. Nabebusy-busyhan na naman ako. Chuz! jokes, busy nga ako ngayon dahil sa mga exams na hindi ko naman gusto. So SOWI POH! Pero mag-UUD ako kapag weekend o free time ko.

So please, support my story! ALABS YOU ALL!!! Muah~

-----------------------

~Nathalie~

Naiinis na ako dahil kanina pa ang mga babae na nakatingin sa kinaroroonan ko.

Hindi ko naman sila pwedeng sabihan na stop staring dahil ang tinitignan nila ay ang isang gigolo sa gilid ko.

Si Julian aka Ethan.

"Hey pretty, date tayo?" Inakbayan niya ako.

Bwisit tong lalaki na to. Sabi niya gusto niya kong bantayan. Pero ito siya ngayon kinukulit na naman ako.

"Magdate ka mag-isa mo!" Pinandilatan ko siya.

Ngumisi lang siya sakin.

Pwede ko ba tong patayin ngayon? Naiinis na ako sa kanya. Kanina niya pa ako kinukulit at marami ng mga kaklase namin na nakatingin samin at naririnig ang sinasabi niya.

Lahing alien pala to. Sumusulpot kung saas-saan at sino ba ang nagsabi sa kanya na magpanggap ng ikalawang sarilo niya. Pinalitan niya pa ang pangalan niya.

Kung hindi ko lang to mah-.....

I mean asawa. Right asawa! Kanina ko pa to hinulog sa bintana.

"Aw~ Bakit naman? Hindi mo ba gusto na magdate sa isang gwapong lalaki? Nathalie, opportunity mo na to. Malas kung hindi mo tinatanggap ang biyaya." Sabi niya na ngumingisi parin sa kin.

"Biyaya your face! Malunod ka diyan ng biyaya mo!" Umalis na ako at pumunta sa canteen.

Kung hindi pa ako umalis don, baka mapatay ko na siya.

"Nath"

Napalingon ako nang merong tumawag sakin. Si Jessica lang pala.

Lumapit siya sakin. "Ano ba ang pakulo ni Julian ngayon at binago niya ang pangalan niya?" Binulong niya yon sakin.

"Ah ewan, trip niya lang. Bahala siya." Naiinis na sabi ko.

"Hmmm...baka nagseselos ka dahil nakikita mo ang ibang babae na nakatingin na ngayon sa asawa mo na noon ay campus nerd." Tukso na sinabi ni Jessica.

"Hindi noh, mas okay nga yon para hindi niya na ako kulitin." Pinatuloy ko ang paglalakad papunta sa canteen.

Nag-seselos nga ba ako?

Ah hindi pwede, ang kasal namin ay nasa papel lang. Wala na!

Hindi ko siya mahal at hindi niya rin ako mahal......

But why I feel something in my heart telling me that I love him? Hindi pwede to, isa lang siyang alien na pumunta dito sa planeta ng mga tao para kulitin ako.

"Nathalie! Hintay nga." Napatigil ako nang narinig ko si Jessica na patakbo pumunta sakin.

"Ha?" Napatingin lang ako sa kanya.

"Ha ha mo diyan, kanina pa ako nagkikwento sayo wala ka naman nakikinig sakin at saka ang bilis mong maglakad. Ano ba ang iniisip mo?" Sabi niya habang nakabewang at nakatingin sakin na naghihintay ng sagut ko.

"Ah eh..Wala! Nagugutom na ko." Ngumiti lang ako sa kanya at bumili na.

"Isama niyo na rin ang binili niya sa bill ko, manang."

Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Julian na nakangiti kay manang at tumingin  sakin at nag-wink.

"Hindi ko sinabi na ikaw ang magbabayad." Mataray na sabi ko sa kanya.

"Okay lang yon! mahal naman kita." Kumindat siya sakin.

May naramdam akong bilis ng pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.

Mahal niya ko...

Ba't ang saya ko na narinig ko yon? Hindi pwede! Nathalie hindi ka pwede.

"Hoy Nathalie, Tulala ka naman diyan?" Napatingin na lang ako kay Jessica.

"Ang prince charming mo doon na ho. Bitbit ang pagkain mo." Tinuro niya sa kin si Julian na may bitbit na dalawang tray ng pagkain.

"Hoy, Jul-....Ethan! Ibalik mo nga ang pagkain ko!" Sinundan ko siya para kunin ang pagkain ko.

Ano ba tong puso ko? Parang sasabog na dahil sa pagtibok. Nathalie kalma lang, hindi mo siya mahal. Period.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon