Partners?! No way!

14.9K 402 19
                                    

~Nathalie~

Ang kulit niya! Ang aga-aga, marami nang pinapagawa sakin. Ihagis ko nga to sa bentana. Para walang nangyari kagabi ha!

"Nathalie, kunin mo nga ang necktie ko." Eto na naman siya. Sinipag na naman siya sa kakautos sakin.

Walang imik na pumunta ako sa kwarto niya at kinuha and necktie. Hmm....pwede ko rin itong gamitin para sakalin siya.

"Ito na PO!" Sigaw ko sa kanya habang bitbit ang necktie. Napakagalang ko nga eh may "po" pa sa dulo.

Binigay slash ibinato ko sa kanya ang necktie niya. Pasalamat siya, mabait ako ngayong umaga, hindi ko siya sinakal. Baka binigti ko na to.

Ngumiti siya at isinuot ito. Parang ang sarap pumatay ng tao ngayong umaga.

Sinamaan ko siya ng tingin, pero ang ginawa niya lang ay patuloy sa pagkain na parang walang nangyari. Isubo ko nga sa kanya ang mesa. Aurgh....nanggigigil ako.

"Nathalie~" Malambing na tawag niya sakin habang nakangiti.

"Isa na lang Julian!" Tinuro-turo ko siya. "Hindi ko na mapipigilan ang sarili kong ibitay ka!"I warned him habang tinusok-tusok ang hotdog na nasa plato ko.

Nag-aayus na ako para umalis to attend my class. Hindi kami magkasama na pumapasok sa school dahil baka mahalata ng iba tungkol sa amin. It's a secret marriage after all.

"Last na to. Bag ko muna." Utos niya sakin.

Ang weird lang na ang isang magandang dyosa tulad ko ay sinisilbihan ang isang nerd.

Sinamaan ko siya ng tingin at hinagis ang bag sa kanya. Sana tumama sa mukha niya para maging mas pangit siya, pero nasalo niya ang bag.

"Thank you wifey~" Kumindat pa siya sakin.

"Wifey mo ang mukha mo, chokoy ka! Ang sarap mo lunurin!" Nanggigigil kong sabi sa kanya.

Lumabas na ako ng bahay at malakas na sinira ang pintuan. Sa pintuan ko na lang nilabas ang galit ko sa unggoy na yun. Narinig ko pa siyang tumatawa sa loob. Sana mabulunan siya.

Nakangiti ako nang narinig ko siyang umubo. Buti nga sa kanya.

Naglakad na ko papunta sa school. Besides hindi naman gaano kalayo ng school sa bahay. At saka hindi ko gusto na kasama ang unggoy na yun. Baka mahalata kami. Siya lang naman ang weird, ang lapit ng bahay namin sa school pero nagpapasundo pa kay Daniel. College na pero hinihintay pa ang "School bus" niya.

.

.

.

.

Nung nakarating na ako sa school, pumunta ako kaagad sa classroom. Alam ko naman na andun na si Jessica.

Pumasok ako sa classroom at nakita ko siyang nagkikwentuhan sa mga girls o should I say mga malditang higad. Plastic din yan kaibigan ko. Kinakaibigan niya ang mga yan pero alam niya naman na ang sasama ng mga ugali. Sabi niya daw, keep your enemies closer.

Umupo na lang ako sa upoan ko at tinignan nalang siya. Nang makita niya ako ay ngumiti at kumaway pa siya sakin. Nilingon din ako ng mga so-called friends niya.

Tumakbo siya papunta sakin at umupo sa desk ko. Para siyang ewan habang nakangiti sakin na wala ng bukas. Parang ang ganda ng umaga ng kaibigan ko ngayon ha.

"Good morning, Girl!" Bati niya sakin.

Wow makabati naman to parang nakalunok ng mega phone. Ngayon, nakatingin na ang mga kaklase namin. Siya lang naman ang 'magandang' boses na umalingawngaw sa loob ng classroom namin.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon