Mga Baliw

7.4K 169 2
                                    

Shalamat sa lahat nagbabasa ng AHKN.

Saya saya muna sa susunod na lang ang drama. hehehe

Sana magustuhan nyo to ^^

Don't forget to comment and vote. Comment rin kayo para may inspiration ako...hehehe...sa mga gusto lang...okay...
----------
~Nathalie~

It's been a week pagkatapos mangyari ang pag-aaway ni Julian at Gabrielle. Sinubukan kong tanongin si Gabrielle pero hindi niya ako sinasagot. I noticed na iniiwasan nila ang tanong na yun.

*sigh*

Ba't ba nila tinatago ito sakin. Parang ako lang ang hindi alam kung ano ang rason kung bakit nag-aaway si Gabrielle at Julian. Tinanong ko naman si Daniel tungkol dito pere binabago niya ang topic namin.

Dahil lunch break namin ay nasa bench lang ako. Wala naman akong gana kumain at si Jessica naman ay pinuntahan. Obviously, kasama niya naman si Daniel. Ewan ko nga kung bakit nagpapadalas na ang pagsasama nila. Hindi niya naman ako sinasagot kapag tinatanong ko kung bakit magkasama sila.

"Ako ba ang iniisip mo?"

"Ay palaka!"

Nagulat ako nang may tumapik sakin sa likod.

"Ano ba Julian. Nagulat ako sayo." Hinampas ko siya.

Napatawa naman siya at umupo sa tabi ko. Nagulat ako sa suot niya at hindi na nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya na parang naguguluhan.

"Hoy Nathalie, ikaw ha. Pinagnanasaan mo na ba ako?" Pinitik niya ang noo ko.

"Aray naman!" Hinampas ko siya ulit habang nakanguso. "Excuse me, wala akong pagnanasa sayo. Kapal."

"Hindi ba? Bakit ka ba nakatitig sakin?" Tanong niya habang nilagay ang braso niya sa balikat ko.

"Bakit ba suot mo yan?" Tanong ko at inialis ang braso niya.

"Hindi ba bagay sakin?" Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sakin.

Nakasuot lang naman siya ng normal na damit niya. Yung naka-black jeans, white v neck shirt, at black jacket. Ang simple lang ng damit niya pero bakit ang hot niya.

...

...

...

Hala Nathalie, ano ba ang pinagsasabi mo. Hot? Ang sinasabi kong hot ay ang panahon.

"Nathalie, ang pula ng pisngi mo."

Napatingin naman ako kay Julian sa sinabi niya. Ano daw?

Nagulat ako sa ginawa niya nang nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ko. Alam ko na napakapula na ng pisngi ko. Nakakahiya. Kill me now!

"H-ha? Hindi noh." Kinuha ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at umiwas ng tingin.

Awkward na po ang kapaligiran namin. Wahhhh...Oh diyos ko~

"Ba't ka ba nakasuot ng ganyan? Baka mahalata nila."

"Paano pa ako magdidisguise, kilala na nila ako." Tumawa pa siya.

Bakit parang hindi ako masaya napinakita na niya ang totoong Julian. Ang badboy na Julian na hinahabol ng mga babae. Marami namang babae ang parate na lang sa tabi niya.

"Hoy, ano ba ang iniisip mo?" Sabi niya at pinisil ang pisngi ko.

"W-wala." Umiwas na naman ako.

"Oh umiiwas ka na naman." Niyakap niya ko sa likod.

Gosh!!!! Bakit ba siya nagpapakilig. Hindi ko na to kaya. Nakikilig na ako. Nathalie, calm down. Act normal.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon