Thank you

11.4K 283 11
                                    

Comment naman kayo dyan. XD

Labyu!

--------

~Nathalie~

Nagising ako nang naramdaman ko ang yakap niya. I feel secured na nandito siya.

Tinitigan ko siya habang nakangiti. Bakit ang gwapo niya kapag natutulog? Sana ganito na lang. Everytime I wake up, siya ang una kong makikita. Pero I don't think it will happen...

Kapag iniisip ko ang nangyari kahapon, natatakot pa rin ako and at the same time naalala ko ang mga salita na sinabi niya at kung paano niya ako niligtas sa panganib.

"Salamat Julian." I whispered at him.

I slowly got up at lumabas ng kwarto. Lumingon muna ako para tignan kung natutulog pa rin siya. And he is!

Pumunta ako sa kusines at naglutoako ng paborito niyang adobo. I just want to thank him sa ginawa niya kahapon.

Tinignan ko ang suot ko. Hindi pa pala ako nagpalit. Mamaya na lang ako magbibihis pagkatapos kong magluto. Baka magising na siya.

I prepared the ingredients at nagsimula nang magluto. Tinuruan ako ng mama niyang lutuin ang paborito niyang pagkain. Well, I ask his mother to teach me. Nung hindi pa kami kasal, iniisip ko ma baka mamimiss niya ang pagkain na niluluto ng mama niya.

"AW!" Napasigaw ako dahil sa sakit na aksidenteng nahiwa ko ang daliri ko. Hindi naman malalim ang sugat ko. I continued cooking pagkatapos kong nilagyan ng band-aid.

Ilang minuto lang ay tapos na ko sa niluluto ko. Dinala ko na iyon sa mesa at naglagay ng dalawang pinggan.

Binalikan ko siya sa kwarto para tawagin na siyang kumain. Pero nung nasa kwarto na ko, mahimbing pa rin ang tulog niya at niyayakap pa ang unan ko.

I chuckled when I saw him sleeping like a baby. Ngayon ko lang siya nakitang matulog na ganito. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya.

Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang cute niya kapag natutulog.

"Julian..." Mahinang tawag ko sa kanya para magising siya.

Antok na dumilat siya at napatingin sakin. Agad siyang bumangon na narealize niya na nauna akong nagising.

"Okay kana, Nat?" Tanong niya sakin at parang naaalala pa rin siya.

I nodded and smiled at him to show him na okay na ko. At dahil dun sa kanya. He saved me and also took care of me.

"Don't go anywhere without telling me."

"Oo na." Ayan na naman, parang tatay na naman siya. Noon ko pa to napansin, kapag meron akong ginagawa, madami siyang binibilin. Parang tatay lang.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Halika na, kumain na tayo. Pinagluto kita." Sabi ko at hinila siya patayo.

"Ang aga mong nagising." Sinunod niya naman ako at bumangon.

"Oo naman, we have class. Remember?"

"What time is it?"

"6:30. Bumangon ka na kung hindi mo gustong malate." Dahil nakatayo na kami, hihilahin ko na sana siya palabas ng kwarto na biglang hinila niya ko palapit sa kanya.

"J-Julian." Nauutal na sabi ko, ang awkward kaya at take note, ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko.

"I'm really worried yesterday. What if something happened to you." Niyakap niya lalo ako and buried his face in my neck.

Ang Husband Kong NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon