XXX: Ill-Fated Demigod

5K 197 17
                                    

Heshiena's Point of View

"Good afternoon, demigods! We are here to continue the training. Same pattern like yesterday," Sir Michael greeted us. Tinapunan niya kami ng tingin. "It's your time to impress me," he added.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Ngumiti pa siya na nagpadagdag ng kaba sa akin. Unang beses kong sumabak sa ganito. At hindi ko alam kung ano ang magiging kahinatnan ko. Sir Michael once again look into the record sheet that levitates in front of him.

"Nkri, Blaze, Ace, Dash, Erin, Mavros, and . . ." Inangat niya ang kaniyang ulo upang tignan ako. The worry in his eyes prevails. I saw his chest moved, a sign that a sigh escaped from his lips. "Heshiena."

Sir Michael gestured his hand. Kaagad namang nakuha namin ang ibig niyang iparating. Everyone started walking to the center of the chamber. Habang ako naman ay nakayuko lamang nakasunod kay Mavros. I slowly bit my lower lip to calm myself.

Nang makarating kami sa sentro ng training chamber na 'to ay inihagis ni Sir Michael ang coins sa ere. Katulad lamang noong ginawa niya kahapon. When the coins flipped, it changes into a ball device that can produce illusions.

"On your mark!" Sir Michael shouted to let us know he's going to push the button.

Me, on the other hand, couldn't stop myself but to tremble in fear. My hands were profusely sweating. At kanina pa ako lunok nang lunok ng laway ko. I gasped for air when I heard Sir Michael finally clicked the button.

After that, nagsilabasan ang mga iba't ibang klaseng nakamamatay na sandata. In a matter of second, it landed to the floor and turned into wolves. Nakakatakot pala kapag ikaw na ang nandito.

I wish I could manage to manipulate whatever ability I have.

My eyes grew wider when I saw stray weapons are coming to our direction. Two weapons went straight to where I am standing. Sa sobrang takot ko hindi ko na kayang maigalaw ang mga paa ko. Kasabay na nanginginig na ang aking tuhod, kamay at mga labi.

Napabagsak na lamang ako nang biglang may bumangga sa akin. Saktong pagkabagsak ko sa sahig kasabay ng taong bumangga sa akin ay siyang paglagpas ng sandata sa mismong kinatatayuan ko kanina. Kapag hindi ako bumagsak sa sahig, panigurado'y bumaon na ang mga 'yon sa katawan ko.

"Are you okay? Are you hurt?" sunod-sunod na tanong sa akin ng pamilyar na boses.

Napatingin ako sa kaniya. There I saw Mavros' worried face looking at me. My eyes suddenly watering, but I was quick to restrain it by biting my lower lip.

Hanggang ngayon ay nagkatinginan pa rin kaming dalawa ni Mavros sa mata. It's as if he's waiting my response. I nodded my head twice. Nang makita niya ang itinugon ko'y tumayo siya. Nang makatayo siya ay inilahad niya ang kaniyang kamay.

Kaagad ko namang nakuha ang gusto niyang iparating. When I finally got up, out of the corner of my eyes, I saw two wolves coming for Nkri. Ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay. In a matter of seconds, she managed to summon a spear.

Pagkatapos niyang i-summon 'yon ay nag-iba ang suot niya. She's now wearing an imperial gold armor overflowing with white robes. Ilang pulgada na lang ang mga lobo, nakatayo pa rin siya. Tila ba'y sinusuri niya ang mga kalaban.

When the wolf on the right jump, Nkri simply dodged. Napalingon si Nkri sa isa nang mapansing tumalon na ito papunta sa kaniya. She quickly turned around, and kick the wolf on the face when her back facing the opponent.

She didn't give them a chance to harm her. Nang bumagsak ang isa ay siyang paglingon ni Nkri sa kaniyang likuran. She held the spear vertically with the left hand uppermost on the spear shaft, while the right foot is forward in a rear weighted stance.

She's The Cursed Goddess (Self-Published)Where stories live. Discover now