Chapter Twenty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti ako at dagli ding nawala matapos umangat ang mga paa ko sa berdeng damo. Lumingon ako kay Zed.

"Tara?" yaya niya, "Igagala kita sa isla."

Daliri sa daliri, lumipad kami sa hangin at binisita ang mga isla. Buti naman at hindi siya nagrereklamo sa basa kong mga kamay. Pasmado ang mga kamay ko. Wala akong pake sa holding hands noon kasi wala naman akong ka-holding hands. Wala siyang pake kahit pa basa. Alam niya na palagi akong walang ka-holding hands at malaking bagay para sa aming dalawa na siya ang unang lalaki na humawak sa mga kamay ko sa ganitong paraan.

Ngumiti na lang ako at tumingin sa paligid.

Pulos mga bahay ang laman ng mga islang dinaanan namin. Kakaiba ang disenyo nila: glass house, brick house, modern house, cabin, at iba pa. Tulad ng Bird House, pwedeng lumabas at humiwalay ang isla at lumibot sa paroroonan. Pero ang common denominator nilang lahat: mga halaman at bulaklak. Mayabong at namumukadkad. Lalo na sa glass houses. Kitang-kita ko sa loob ng bahay ang kusina, dinning area, living room... Pero talamak ang halaman at puno sa loob. Tradisyon ng mga salamangkero ang magtanim ng halaman, sabi ni Zed, iyon daw ang nagbibigay sa kanila ng sariwang hangin dito sa loob ng malaking bula. Walang tulay na nagkokonekta sa mga isla. Kailangan lumipad para makagalaw sa siyudad—halatang hindi ginawa ang archipelago na 'to para sa mga taong katulad ko.

Hanggang sa lumapag kaming dalawa ni Zed sa isang malaking glass building. Dito sa labas, tanaw ko ang structure sa loob. Limang palapag at...

Gasp!

...hubo at hubad ang mga nilalang sa loob. Babae at lalaki.

Bumilog talaga ang mga mata ko at agad din akong nagsisi kasi mas lalo kong nakita ang kanilang... Pumikit ako at kinurot si Zed.

"Bakit sila nakahubad?!" asik ko sa kaniya, "Anong 'tong pinagdalhan mo sa akin, ha? Ang laswa!!"

"Kung gusto mo maghubad, pwede din." Hinihintay ko ang punch line ng joke niya. At hindi ako makapaniwala na seryoso siya. Ganito ang aura niya sa tuwing nag-uusap kami tungkol sa market research ng lambanog.

"Montoya," babala ko, "Hindi ako natatawa sa biro mo."

"But who said I'm kidding? Ang mga nakatira dito halo-halo ang kulay ng balat: puti, itim, at kayumanggi. Pero di 'yon ang nakikita naming kaibahan sa isa't-isa. Hati ang populasyon sa dalawang magical taxonomy: mga purong dugo at mga kalahating tao."

"Purong dugo?" tanong ko, "Kalahating tao? Teka. Wag mo sa aking sabihin na..."

"Malaki ang kaibahan ng purong dugo sa mga hindi. Tulad ko. Kalahating tao ako kasi tao ang nanay ko. At dahil hindi puro ang dugo ko tulad ng karamihan dito sa siyudad, wala akong kakayahan na basahin ang utak ng mga nilalang, pati na din ang gumawa ng illusion para kontrolin ang isip ng iba."

"A pack of mind readers..." bulong ko sabay tingin sa mga nilalang na nasa loob ng building.

"Tama ka. Kampon sila ng mambabasa ng utak. Now, you have to understand that information," prenteng hinagod niya ang sariling buhok, "Citizens of Olympus do not understand the concept of malice. They were nothing like homo sapiens. Sexual intercourse in this city is as normal as drinking water and eating food. Do it anywhere you want. Walk and fly everywhere naked as cherub, and nobody will give a damn about you."

Mind fuck. Iyon ang tamang description sa sarili ko ng mga sandaling iyon. Wala kang matatagong sikreto kung may kaharap kang mambabasa ng utak. Normal sa kanila ang konsepto ng libog at hindi nila ito kinakahiya. Hindi katulad nating mga tao, tawang-tawa sa mga green jokes at innuendo.

"They care so little about human morality and emotions. Of course, they're not above the concept of good and evil. It's just that following destiny written on our palms is much more meaningful than trying to pick sides between devil and angels. They are also capable of feeling emotions like homo sapiens. But...they never let these emotions get the best of them."

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon