LIMERENCE, First Stage of Love

235 27 4
                                    

"ANG KAPAL NG mukha niya. Walang utang-na-loob," sabi ko kay Europa Jones, "Pagkatapos ng lahat ng ginawa natin para sa kaniya, itatapon lang sa basurahan ang buhay niya."

"Anong gusto mong gawin ngayon? Malaya na siya. Hawak na ni Zed ang tadhana. Kung gusto niyang lumapit kay Charmaine Pradelle, wala kang karapatan na tanggalan siya ng kapangyarihan bilang parusa. Kumalma tayong dalawa, pwede ba? Magsisimula na ang programa."

"Basahin mong mabuti ang iniisip niya! Gusto kong malaman kung saan hahantong ang kabaliwan ng lalaking 'yan."

Lumakad si Europa sa bintana at tumanaw sa labas. Mula sa mga ulap, rinig namin ang kaganapan sa lupa.

Ngayong araw ang Southeast Asia Tripartite Declaration on Environmental Protection sa Narra Island Hotel & Casino. Ekslusibo ang programa para sa sampung gobyerno ng ASEAN, pribadong secktor, at civil society.

Tumayo si Zed at humarap sa salamin ng tukador. Nasa backstage siya, hinahanda ang sarili bilang host ng prestihiyosong programa. Tapos na ang three-day programs na inorganisa niya para sa civil society at government dialogues. Pagkatapos ng programa ngayong araw, makakahinga na siya nang maluwag.

"Anong narinig mo?" tanong ko.

"Wala. Wala akong marinig. Blangko ang isip ni Zed. Walang himig na kahit ano mula sa utak niya."

Pumasok si Charmaine Pradelle sa VIP room para kamustahin ang lalaki. Sumilay ang nahihiyang ngiti ng dalaga at dahan-dahan siyang naglakad papasok.

"Marami na bang tao sa labas?" tanong ni Zed sa kaniya.

"Full house ang function room. Dumating na din ang ASEAN Prime Ministers. Pero wala ang PM ng Malaysia, Singapore, at Myanmar. They only sent country delegations in the Philippines. Bukas pa ang dating nila sa official opening sa Manila."

"Well, I've already expected Malaysia and Singapore. Hindi sila darating. You know how they are with civil society and environmental policies. But Myanmar? Whoa. I expect they would come."

Pinasadahan ni Charmaine ng tingin ang suot ng lalaki. White tuxedo, black slacks, leather brogue shoes, and a not so proper knot of his bow tie.

"Zed, your bow tie. It's not..." ngumiti si Charmaine.

"I am proud a Hawaiian shirt dude with khakis. Bow ties suck!"

Ngumisi ang dalaga. "Can I?"

"Knock yourself out." Humarap si Zed sa kaniya at tumingala.

Sa dami ng social gatherings na sinamahan ni Charmaine, madalas niyang panoorin kung paano ayusin ng mga lalaki sa pamilya nila ang kanilang bow tie. Focused at memoryadong inikot at binuhol niya ang bow tie, ming hindi nahalata ang nakaw na tingin ng binata, panaka-naka.

Dinulas ni Charmaine ang kamay sa puting tuxedo ni Zed, tinutuwid at nilalagay sa ayos, hanggang sa humantong ang kaniyang daliri sa sleeve buttons. Nawala ang pulang kulay sa kaniyang pisngi nang makitang tanggal na ang benda sa kaliwang pulsuhan ng binata. Ang tatlong bilog... Puno na ang kulay ng isa.

Balot na balot siya ng init at tuwa sa piling ng lalaki sa bawat araw na nagdaan. Malaya siyang ngumiti at tumawa sa mga biro ng clown. Ngayon, sinampal siya ng matinding realisasyon. Buti nga sa kaniya. Ako, nasa paligid at hindi nawala. Darating ako para kunin ang bayad sa utang niya.

Walang exemption. Kahit sino pa 'yan. Matitikman nila ang galit ko. Papatayin ko si Zed Montoya. Walang kurap. Walang alinlangan.

"Did it hurt?" lukot ang mukha, tinanong ni Charmaine ang binata, "Y-your mark is getting worse. The circle is fully shaded with black. Did it hurt you?"

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon