Chapter Two

395 34 4
                                    

Zed Montoya

"SIR ZED, BUTI dumating na kayo," bulalas ni Danica pagpasok ko sa opisina, "Pumasok ngayon sa office si Sir Andrew."

"Buti na lang maaga akong gumising ngayon," sabi ni Jenny, "Nakakahiya kapag na-late ako."

"Paano ka naman malalate?" ani ni Chua, "Flexible ang oras natin sa office. Pwede pumasok kahit anong oras."

"Siyempre, nandito ngayon ang pamangkin ni boss," sabi ni Jenny, "Minsan na nga lang pumasok si Sir Andrew, late pa tayo."

Ang sinasabi nila ay ang pamangkin ni Ma'am Beatrice na si Andrew Pradelle. Minsan lang pumasok sa opisina si Andrew kasi part-time lang siya sa pagiging Project Coordinator. Nagtuturo siya ng Environmental Studies sa Narra Island University, at Board Member siya sa Tatak Narra Corporation—ang fishery at agricultural arm ng Pradelle Group.

Isa ang Tatak Narra Corporation sa leading food manufacturer at supplier ng gulay, prutas, at isda sa merkado ng bansa. Kalat ang kanilang planta, lupa, at fish port sa buong rehiyon ng Pilipinas. Pinamamahalaan ito ni Beatrice bilang President.

Madalas, kapag wala si Beatrice at Andrew, ako ang gumagawa ng desisyon bilang Project Coordinator sa Narra Environmental Institute.

Kumatok ako sa pinto ni Andrew at nag-angat siya ng tingin.

"Hey," sabay ngiti, "Kung alam kong papasok ka, magsusuot sana ako ng leather shoes, black slacks, black suit, long sleeves polo, at blue necktie."

Pinasadahan ni Andrew ng tingin ang suot kong casual beach sandals, khaki shorts, at Hawaiian shirt with banana print. Tumawa siya sa suot ko.

"What?" asik ko, "Anong nakakatawa?"

"Seriously, Montoya?" ngumiti siya, "Beach is that way." Tinuro niya ang west coast beach na kitang-kita dahil sa overlooking na glass walls. Ang opisina namin ay nandito sa high rise building kung nasaan ang Tatak Narra Corporation. Pero kahit nasa isang building na, bihira lang bumisita si Beatrice at Andrew Pradelle sa opisina namin.

"Sabihin mo sa Tita mo, taasan ang sweldo ko para bumili ako ng mga damit na pasok sa style mo."

"The last time I checked, your salary is six figures. And you still dress yourself like that everyday."

Masaya magtrabaho sa NGO. Flexible ang oras at pwede mo suotin kahit ano kasi walang dress code.

Ngumiti ako nang malawak. Umupo ako sa harap ng table niya. Tinitignan niya ang project proposal na sinend ko via email. Binaba ko ang backpack sa carpet floor.

Palaging maaga si Andrew kapag pumapasok siya sa opisina. Madalas, nauunahan niya ang lahat ng empleyado.

"Napadalaw ka? May urgent meeting ba tayo ngayon ng Tita Bea mo?"

Umiling si Andrew. "Today is my cousin's first day at work. I just want to make sure she settles well."

"Handa na ang red carpet premiere at blue velvet ropes para kay Charmaine. Don't worry about it."

"Speaking of preparations, baka pwedeng i-orient mo si Charmaine sa mga programs na hawak nating dalawa. Remember, ipapasa mo sa kaniya ang ibang projects at donors na hawak mo."

All in all, we have a total of 15 local and international donors and a total programs of 32 active programs. Dalawa lang kami ni Andrew na Project Coordinator. Minsan, wala pa siya—konti lang ang workload niya dahil nga part time. Ako ang sumasalo ng lahat kasi nga six figures ang sweldo ko. Buti na lang, nariyan ang limang Project Assistants na si Danica, Jenny, Chua, Miko, at Haru. Sila mismo ang tumutulong sa akin na mag-organize ng programs, tumawag sa mga hotel, tumawag sa participants, sumagot sa urgent emails, gumawa ng program schedule at agenda.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon