Chapter Fifteen

188 25 8
                                    

Zed Montoya

LAGING BIGO. Laging sawi. Iyon na ata ang bago kong motto sa buhay.

Putang-ina talaga.

Dahil udlot ang programa, walang naganap na pirmahan sa pagitang ng ASEAN States, private sector associations, at civil society para sa Southeast Asia Tripartite Declaration on Environmental Protections. In fact, ASEAN Summit was altogether postponed. And I would consider myself lucky that the ASEAN fiasco three days ago did not destroyed the regional organization completely.

Naglabas ng apologetic statement ang Renolt Mining Corporation matapos nilang aksidenteng batuhin ng baso ng tubig at mineral bottle ang katutubo. Kahit hindi naman talaga nila ginawa o sinadya, sila na mismo ang nagpakumbaba sa nangyaring insidente at sinabing hindi sinasadya ng presidente ang ginawa sa entablado.

Ang K9 dogs... Matapos nilang kagatin at kunin ang sapatos at gamit ng mga opisyal at tao sa stage, hinatulan sila ng gobyerno. Lethal injection.

The news travalled so fast. Probably even faster than the speed of light. Million memes were made and scattered by Millenials all over the internet. And do I really had to expound on that? Nah.

Bitbit ang puting sobre na sinulat ko kaninang madaling araw, pumasok ako sa opisina ni Beatrice. Tatlong araw nang pumapasok ang amo ko sa opisina para tumulong sa damage control. Sa totoo lang, sobrang dami ng kailangan ayusin. Malapit na akong magpa-admit sa mental hospital. Ang sakit sa ulo.

"Can I come in?" tanong ko.

Bumuga ng hangin si Beatrice at saka inalis ang suot niyang salamin. Hinilot niya ang sentido. Maayos ang pananamit at itsura niya. Sa oras ng panganib, trademark ng mga Pradelle na panatiliin ang kanilang fashion sense.

"Come in, Zed."

Pumasok ako at umupo sa harap ng lamesa niya.

"Madame Bea," exhale, "I don't really know where to start. I'm sorry about everything. It was my oversight. I committed the worst mistake of all: failure of imagination. It never occurred to me that such horrible scenario will happen on that very day. And I should have known. I'm sorry."

Nanatili siyang tahimik, pikit-mata, at hinihilot ang sentido.

"And I think, my path ends here. Kung hahayaan niyo ako, tatapusin ko na lang po ang damage control. Malaki na po ang pinsalang nagawa ko. Ayaw ko na pong madagdagan pa." Inabot ko ang sobre. "Please, accept my resignation letter."

Inabot ko ang sobre gamit ang kaliwang kamay. Inalis ko ang leather bracelets at ang benda. Exposed na exposed ang dalawang bilog, at alam kong mapapansin niya kaagad.

Dumilat si Beatrice at tinignan ang sobreng hawak ko. Umangat nang konti ang kaniyang mga mata, at nanatili sa dalawang peklat na nasa balat ko.

It was as if she saw a ghost. Instead of holding my letter, Beatrice grabbed my left hand and yanked it closer. Her eyes widened, mouth and jaws dropped in sheer horror. The slight twist was finally revealed right before her eyes, explained coherently by the two circles left on my wrist like a countdown to New Year.

Hinaplos ni Beatrice ang dalawang bilog. "W-what...? What h-happened to your skin, hijo?! What is this?!"

"Oh, that? It's nothing. Dito ko sa opisina nakuha. May kumagat sa akin na hayop."

"Tatlong bilog... Bakit dalawa na lang ang natitira?"

"Paano niyo po nalaman na tatlong bilog ito originally?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Zed. Bakit dalawa na lang ang natitira? Kailan nawala ang isang bilog?"

"It's well taken care of by my dermatologist. Doktora gave me an ointment I have been using for weeks now. I guess it really worked. Umitim ang bilog hanggang sa mapuno siya ng kulay. Tapos nilagyan ko ng ointment. Ayun. Nawala siya matapos ang fiasco sa ASEAN Environmental Summit three days ago. At least, it was good news. Isa-isang nawawala ang mga bilog. Hindi magtatagal, iitim din and huling bilog at mawawala na sa balat ko. Tuluyan."

Tumakas ang kulay sa mukha ni Beatrice.

"Madame? Please, accept my resignation letter." Inabot ko ulit sa kaniya ang sobre.

"Kasama mo si Charmaine sa Malolo Distillery. Malakas ang ulan..." Bumilis ang kaniyang hinga. Sumandal siya sa upuan at tinignan ako na parang attraction sa zoo. "This changes things. I should have known. I should have known. Charmaine... How could you not tell me?"

"Ano pong sinasabi niyo? Ayos lang po ba kayo, Madame?"

Kinuha niya ang sobre at walang babala na pinunit niya ito, tulad ng inaasahan. Predictable.

"Madame?!" kunut-noo, "Ano pong ginagawa niyo?"

"I will never accept your resignation letter, Zed. You should have known that I will never let you go no matter what happens. Narra Environmental Institute needs you now and for years to come."

"I really thought you wanted me to leave."

Hinawakan ni Beatrice ang kamay ko at puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. "Everything that happened is not your fault, Zed. I understand now. So you should go and find my daughter. Kailangan mo siyang kausapin."

For three straight days, Charmaine did not show up in the office.

Sa totoo lang, medyo sumama ang loob ko. Tang-ina. Kailangan ko siya. Kakayanin ko kung nandito siya sa tabi ko.

"Ewan ko po kung nasaan si Charmaine. Hindi po siya pumapasok."

Kumuha ng fountain pen si Beatrice at nagsulat sa memo pad. Saka niya binunot ang piraso ng papel at inabot sa akin. "You can find my daughter here. The passcode, if they asked, is this: It's a sin to kill a Mockingbird."

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon