Chapter 28

64 1 0
                                    

Nahuli na ang kidnappers. Nakakulong na sila. Si Juan, siya pala yung anak ng kidnapper ko dati na nagligtas sa akin. Yung nagpatakas sa akin. Nabaril siya dahil pinatakas niya ako. Namatay siya dahil sa akin.

I silently cried while watching Elsa's grave.

Isa ka pa. Dumagdag ka pa eh 'no! Namatay ka ng dahil sa akin. Ang daya mo naman eh! Mas lalo tuloy nadagdagan ang bigat sa dibdib ko. Two people died because of me. Bakit kailangan nilang mamatay para mabuhay ako? Bakit ang sama sama yata sa akin ng fate? Gusto niya ba akong habang buhay na magdusa? Habang buhay na makonsensya? Habang buhay na maguilty? Masama ba akong tao?

Si Auntie Wilhelmina at Twinkle, sobrang iyak sila ng iyak. Alam ko mas doble pa ang nararamdaman nilang sakit sa pagkawala ni Elsa. Sana ako na lang ang namatay. Sana ako na lang ang nakabaon sa puntod na yan. Siguro, mas magiging okay ang lahat kapag ganon ang nangyari.

Pagkalibing kay Elsa, kinuha na namin si Twinkle. Doon na siya tumira sa amin.

May kumatok sa pintuan ko.

"Come in."

"Ate Mika."

"O Twinkle, ikaw pala. Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na ah."

She handed me a pink book that looks like a diary. May lock ito sa gilid. "Gusto kong ibigay sayo 'to." Then may inabot siyang susi. "Diary 'yan ni Ate Elsa."

"Why are you giving this to me?"

"Alam kong napatawad mo na si Ate pero gusto ko pa din ibigay sayo yan. Nagkunwari siyang ikaw. Nakilala siya bilang ikaw. Alam kong may mga masasakit siyang salita na nasabi sayo dati kaya gusto kong ipakilala sayo ang totoong Elsa. Isa siyang masunuring anak, mapagmahal na ate, at matatag na babae. Sana may time ka para basahin ang mga yan."

I smiled. "Syempre naman. Thank you. Thank you for giving me this to me. For trusting me her treasure. Her secrets. Pero, okay lang ba talagang basahin ko 'to? Hindi ba dapat private 'to? Na dapat siya lang ang nakakaalam?"

"Kilala ko siya. Alam kong okay lang sa kanya yun. Baka nga matuwa pa siya kasi binigyan mo ng pansin ang diary niya. Alam mo bang number one fan mo siya."

"Really?"

She nodded. I blinked few times, trying to control my tears.

"Tsaka bago siya nakidnap, sinabi niya sa akin na ibigay ko daw sayo yan. "

"Ha? Bakit daw?"

She shrugged. "Sige, maiwan na kita. Good night Ate Mika." She kissed me on my forehead before leaving.

Tinitigan ko yung book. Babasahin ko na ba? I unlocked it and started to read the pages.

Stolen IdentityWhere stories live. Discover now