Chapter 12

74 3 0
                                    

Sunday. My free day. After attending mass with Manang Mira, we went shopping. I received weekly allowance from Jeon. I have my own card and account. Sometimes, I wonder why he's so good to me.

"Manang Mira, minsan lang po ako mag-aya kaya sige na po please."

Kumain muna kami ng breakfast sa Mcdo. Then we buy clothes and shoes. After namin mag-lunch, umuwi na din kami dahil nananakit na daw ang athritis ni Manang Mira.

Pagdating sa bahay, nagkaroon kami ng short bonding.

"Can I ask you a question?"

She nodded. "Pero huwag masyadong maraming english ha? Medyo kinakalawang na kasi english ko eh. Baka ma-nosebleed ako anemic pa naman ako."

I smiled. "Sure po."

"Oh siya, anong gusto mong malaman."

"Curious lang po kasi ako kung bakit kayo pinaalis sa mansion. Sabi po kasi ni Jeon dati daw po nila kayong katiwala."

She smiled and sighed. "Mahabang kwento. Handa ka bang makinig?"

I nodded.

"Dati akong yaya ng papa ni Jeon. Siya si Yzac."

"Oh."

"Mabuting bata si Yzac. Siya ang pangatlo sa kanilang apat na magkakapatid. Sina Karl, Emanuel, siya, at si Ysabelle. Sa kanilang magkakapatid, si Ysabelle lang ang kasundo niya. Mayroon siyang tatlong kababata. Sina Megumi Seiei at Clay Valliere. "

Napalunok ako when I heard my parents' names.

"Magkakasosyo sa trabaho ang mga magulang nila. Napagkasunduan ng mga ito ang isang arrange marriage sa pagitan ng Gray at Seiei. Malugod itong tinanggap ni Yzac. First love niya si Megumi. Pero naramdaman niyang tutol ang kalooban ni Megumi. May iba itong gusto. Yun ay walang iba kundi si Clay. Masakit man sa kalooban pero nagparaya siya. Doon niya nakilala si Gwen. Pero hindi ito gusto ng mga magulang ni Yzac kaya naman palihim na nagkikita ang dalawang magkasintahan. Nagpapalitan sila ng sulat sa pamamagitan ko. Ngunit sadyang walang lihim na hindi nabubunyag. Nalaman ito ng mga magulang ni Yzac at pinatanggal ako sa trabaho. Nabalitaan ko na lang na umalis si Yzac sa mansion at nagsama sila ni Gwen."

"Yun ang dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho. Pero wala akong pinagsisisihan. Makalipas ang walong taon, hindi sinasadyang nagkita ulit kami ni Yzac. Kasama niya noon si Jeon. Sinabi niyang namatay si Gwen sa isang aksidente. Sinabi din niyang bumalik na sila sa mansion. Maysakit daw ang papa niya samantalang mahina na daw ang mama niya."

"Wow. Parang korean novela yung story nila. Nakakalungkot yung nangyari sa parents niya."

Manang Mira nodded. "Pero tandaan mo, ang isang tao kahit gaano pa kalakas kapag nagka-edad na, humihina. Kaya maswerte pa rin ang mga magulang niya dahil umabot sila sa edad ng katandaan."

Stolen IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon