Chapter 25

49 1 0
                                    

My world is falling into pieces. The happy and almost perfect family is gone. Dad is in prison. Mom is still in coma. I still hoping na gagaling siya. Ang career ko, tuluyan ng bumagsak. Though marami pa din paparazzi ang nag-aabang sa akin sa labas para interview-hin ako sa mga nangyayari sa life ko. Don't they have a heart? Gusto ba nilang umiyak ako sa harap ng maraming tao? Tapos ifi-feature nila sa television, sa news. Ayokong magmukhang kawawa sa paningin ng lahat. Sabi nila bagay daw sa akin ang title na 'Once a Princess'. Psh. Ang dami nilang alam.

Ang company, tuluyan ng nawala sa amin. Nabili ng isang mayamang businessman. At ang masakit pa, nalaman kong ang mayamang businessman na yun ay walang iba kung hindi si Jeon Gray. Sa account niya mismo nakapangalan. Meaning to say, hindi ito kabilang sa mga asset ng Gray family kung hindi kay Jeon Gray lang. Of all company, bakit ang company pa namin ang kailangan niyang bilhin? I hate him! First, pinaasa niya ako. Second, iniwan niya ako sa ganitong situation. Ngayon na kailangang kailangan ko siya. And third, kinuha niya ang important treasure na matagal ng iniingatan ng Valliere Family, ang company. So ngayon, wala na akong pakialam sa kanya. We're over. No, we're not over pala. Kasi sabi nga niya, hindi naman kami M.U. It's one sided and I'm stupid. I'm doing my very best to forget him though it's not that easy. Kahit ilang beses kong i-provoke yung sarili ko na he's a bad person, hindi pa din nababawasan ang love na nararamdaman ko sa kanya. Sad realization I know.

Sa lahat ng nangyayari, gusto ko ng sumuko. Bakit pa ba ako lumalaban? Wala na ang lahat. Wala ng pag-asang bumalik ang dati.

"Ate ano ka ba? Parang ang lalim lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?"

Napatingin ako sa batang biglang nagsalita sa harap ko. Nakaupo ako sa buhangin ng beach ngayon. Remember the place I was before when I went to our house and encountered Auntie Wilhelmina. The time when I was so nervous and decided to stayed here to breathe some fresh air and relaxed. Dito yun.

"Ano ba ate? Ano? Forever tulaley?", sabi nung bata. I think she's around the age of 11. She has eye glasses falling on the tip of her nose. Well maybe because she has flat nose. Her skin is pale as well as her lips. Wala siyang slippers.

"Halika na. Sabi mo ibibili mo ako ng ice cream. Dun tayo dali." Hinila niya ako papunta sa ice cream vendor. Since naccute-tan ako sa kanya, binayaran ko na din. Mukhang napagkamalan niya akong kakilala. Bumili na din ako ng para sa akin. Naupo kami sa buhanginan. Habang kumakain ng ice cream, napansin kong panay ang sulyap niya sa akin.

"Why? Is there any problem?"

"Wow! English yun ate ah! Minsan talaga ngugulat na lang ako sa pag-i-english mo. Parang dati lang, nagpapaturo ka pa sa akin. Ngayon, mukhang gamay na gamay mo na ah!"

"Gamay na gamay?" What's the meaning of those words?

"Oo. Ang galing mo na nga eh. Pati pronunciation and accent mo para ka ng isang foreigner! Pero, saan mo ba kinuha yang damit na yan? Kanina lang iba ang damit mo ah. Saan ka ba nanghiram? Maganda yang nahiram mo ah. Mukha kang artista sa suot mo."

I just smiled.

"Natutuwa ako dahil sa wakas, pinasyal mo ako dito. Alam mo bang sawang sawa na ako sa amoy ng ospital na yun. Puro puti tsaka gamot na lang yata nakikita ko don. Nakakaumay talaga."

Siguro isa siyang pasyente na matagal ng hindi nakalalabas ng ospital.

"Sa palagay mo ate, gagaling pa kaya ako?"

Ano kayang sakit niya? "Bakit, sumusuko ka na ba?"

"Sa totoo lang, napapagod na akong labanan 'tong bwisit na sakit na 'to. Pero sa tuwing naiisip ko yung pagsisikap mong makakuha ng pera para lang maipagamot ako, nakakaramdam ako ng hiya. Sabi ko, ikaw nga ginagawa ang lahat tapos ako na ang dapat lang naman gawin ay lumaban, gusto pang sumuko. "

I didn't answer. I didn't know what to say.

"Mag-asawa ka na kasi Ate. Para may mag-aalaga na sayo. Ayaw mo naman kasing sumama sa biological mother mo eh. Mayaman yun di ba? Ay! Hindi na pala ngayon. Nabasa ko sa dyaryo ang nangyari sa mga Valliere. Nakakaawa sila di ba?"

I gulped. Sinong biological mother niya?

"Huwag kang mag-alala ate. Promise ko sayo, kahit anong mangyari hinding hindi ko susukuan 'tong sakit ko. Those weak are losers di ba? At hindi ako weak! Mas lalo naman hindi ako loser!"

"Narinig ko sabi nung doctor, 20 percent lang daw ang possibility na makasurvive ako sa heart transplant operation pero gusto kong sabihin sayo na payag na ako. Gusto kong panghawakan ang 20percent na yun. Hangga't may natitirang pag-asa, naniniwala akong gagaling ako."

I smiled. I envy her. She's a strong girl. Nagpahid siya ng luha. She's crying.

"Ui kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Sabi ko naman huwag kang aalis sa tabi ko eh! Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra! Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?", sabi nung girl na bigla na lang lumapit dun sa bata.

My mouth hung opened. Kilala ko siya!

"Ate?" Tumingin sa akin yung bata. Nagtataka. Siguro akala niya ako talaga ang Ate niya. Tumingin din sa akin yung girl.

"Luna??"

"Elle. I mean Elsa."

Stolen IdentityWhere stories live. Discover now