Chapter 29

66 0 0
                                    

"Ui cous andyan ka pa ba? Siguro tulala ka na naman 'no?? Umuwi ka na kasi! Go get her back!"

I sighed. "But grandpa said--"

"Grandpa already got what he wanted. Tapos na ang revenge mode my dear! It's time for you to get happy naman! Tingnan mo kami ni Lake okay na ulit."

"She's mad at me. She's angry. She hates me."

"And she's lonely. Matindi ang pinagdadaanan niya. Tapos dumagdag pa yung nangyari sa inyo. Nasasaktan siya, oo. At alam kong nasasaktan ka din. We both know that you didn't intended to hurt her. Pero isang taon na din kayong hindi nagkikita. Hindi ba panahon na para tapusin 'yang paghihirap niyo? Alam kong miss na miss mo na siya."

Yes. I miss her so much.

"At alam kong ganon din siya sayo. Alam kong hinihintay ka lang niya."

"She won't forgive me."

"Because you didn't ask her silly!"

Maybe it's really the time. Maybe.

"Go back. Get her back. She will forgive you. Just ask her. I'm sure she can't resist your charm.", she giggled.

I chuckled. "You think so?"

"Kilala ko siya. She likes you so much."

"But what if she won't forgive me?"

"Oh c'mon! Stop making predictions and face her you coward! Wala akong kilalang Gray na duwag! Kapag nagkataon, ikaw ang pioneer! Sige ka, ikaw din. Ako balang araw magiging Flay Evans. Ikaw, forever Gray. Gray coward! Eeew!"

"Tss."

"And oh, piece of advice cousin dear. Better get hurry. Baka maunahan ka. Aware ka naman siguro na kinukulit pa din si Mika hanggang ngayon ni Kai. Buti pa siya, hindi marunong sumuko. Compare sa isa diyan!"

"Whatever."

I ended the call and jumped on my bed. That pinky Kai! Sinabi ko naman sa kanya na tigilan na si Mika. Patay siya sa akin pagbalik ko sa Phlippines! I will get Mika's heart again. And soon, he will get realize that I'm better and more handsome than him. I chuckled. Such courage. Okay na kami ni Kai. Yun nga lang, pagdating kay Mika mukhang hindi pa din. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa babaeng yun? Hindi siya marunong magluto. Clumsy siya at parang hindi babae kung kumain. Ang dami kasi na akala mo bibitayin na kinabukasan. Maingay din siya at matigas ang ulo. Pero hindi siya maarte. Siya lang ang babaeng nakilala kong hindi marunong magdiet. Humble din siya. Sometimes sweet. Sometimes naughty. I remember when she threatened to kiss me. Akala ko hindi niya tototohanin. But she kissed me. And I was astounded back then.

But I broke her heart. Nung umiiyak siya, gustong gusto ko na siyang yakapin non. Gustong gusto ko ng bawiin yung mga sinabi ko. The feeling is mutual. Baka nga hindi kasi sobrang mahal ko na siya. Ang alam ko kasi, gusto niya lang ako.

Pag-uwi ko non, pinuntahan ko kaagad si Grandpa. Siya ang nagplano ng lahat. He said, 'Go, take care of her. She will be our alas to get revenge for your father.' Nung una, gusto ko talagang ipaghiganti si Dad. Pero nang tumagal na, gusto ko ng magback out. Mika is my first love. At alam kong siya na din ang huli. Nagsisi ako kung bakit pumayag ako sa gusto ni Grandpa. Pero ang sabi ni Grandpa, kapag hindi ko daw ginawa ang pinagagawa niya, siya ang gagawa sa sarili niyang paraan. Kilala ko si Grandpa. At ayokong isipin ang pwede niyang gawin sa Valliere family.

I was crying when I confronted Grandpa. He said the revenge is over. That I can do whatever I want. The hell with that stupid revenge! Bullshit!

I made up my mind. I bought their company to preserved it. Alam kong isa itong important treasure para sa mga Valliere kaya gusto kong ibalik sa kanila ito someday.

When I heard Mika was kidnapped again, I hurriedly went to Valliere mansion. Nakibalita ako. Everyday, tumatawag ako sa precinct para makibalita. Parang mababaliw ako sa pag-aalala sa kanya. Nang malamang ko na nanghihingi ng ransom yung mga kidnappers, pinilit ko sila Auntie Wilhelmina na tanggapin ang pera na galing sa akin. Sinabi kong hiram lang naman, kung gusto nilang bayaran, bayaran nila kapag nakuha na nila si Mika. Sinabi ko yun kasi alam kong hinding hindi nila kukunin yun. Baka isanla na lang nila yung bahay kaysa kunin yun. Pero alam kong malulungkot si Mika kapag nangyari yun kaya pinilit ko na lang sila na kunin yung pera. They asked me why am I helping them despite of what they did to my father and I told them that I love Mika.

Sumama ako nung ibibigay na nila yung ransom money. Pero natunugan ng kidnappers na may kasama si Auntie Wilhemina na mga police kaya tumakas sila. Hindi din pala nila dala si Mika. Pero bago pa sila nakatakas, nasundan sila ng agent na hinired ko. Kaya nalocate namin yung place kung saan nila dinala si Mika. Hindi lang pala si Mika ang kinidnap nila. Pati yung nagpanggap na siya dati. Hindi ko alam ang real name. Nang makita kong hawak hawak ng kidnapper si Mika habang may nakatutok ditong baril, gusto ko ng sugudin yung kidnapper at pagsusuntukin. Darn them for kidnapping Mika! Napansin kong halos magviolet na ang buo niyang katawan sa pasa. Nagtangka siyang tumakas pero nakatali ang mga paa niya kaya nadapa siya. Nang babarilin na siya, tumakbo ako para pigilan yung kidnapper pero huli na. Pumutok na yung baril. At tinamaan yung dating nagpapanggap na si Mika. Binaril ng pulis yung kidnapper. Yung ibang kidnapper na hindi lumaban, nakulong.

Nang dinala nila si Mika sa hospital, lagi akong pumupunta. Chinecheck ko ang lagay niya. Minomonitor. Pinapapasok naman ako nila Auntie Wilhelmina at nung yaya niya. Mababait naman sila. Nang mabalitaan kong nakalabas na siya ng hospital, umalis na din ako. I went to London to manage our new branch. Now that it is stable, I think it's time to go back. Lalo na at malapit na ang debut niya.

Pero mukhang tama si Flay. Takot akong harapin si Mika. Masyado akong madaming kasalanang nagawa sa kanya at sa family niya. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang lahat sa kanya. Ako ang nagpadala ng evidences sa mga police. At dahil don, nakulong ang Dad niya. Naospital ang Mommy niya. Nang malaman ng investors and businessmen ang nangyari, nagsimulang malugi ang company nila. Nabalitaan din ito ng mga tao at humina ang career niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa world of showbiz. Kaya sa lahat ng nangyari, ako ang dapat sisihin.

Stolen IdentityWhere stories live. Discover now