Chapter 21

2K 52 1
                                    

Chapter 21

Kneeling

Napakurap ako habang nakatingin sa kisame. Totoo ba yung nangyari kagabi o isang panaginip lang? Hindi ako makapaniwala dahil parang isang panaginip lang ang nangyari kagabi.

Keysa sa malate pa ako sa trabaho, bumangon na ako para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-almusal. Halos kasabay ko si ate Angelie na bumaba habang inaayos ang hikaw niya tiyaka bumati sa akin.

"Good morning." Matamis na ngiti ang iginawad niya sakin.

Magsimula kagabi, hindi ko parin alam kung nasaan si ate Ann, wala pa akong balita pero baka sina mama ay may balita na dahil hindi naman iyon mapapalagay kung wala si ate.

Sabay kaming umupo ni ate Angelie sa upuan, seryosong kumakain si kuya Adam habang may tinitingnan sa kaniyang iPad. Tahimik nalang akong kumain, dahil hindi ko na mapigilan ang pag-alala ay napatanong narin ako.

"Ate, kuya? Wala pabang balita kay ate Ann?" Muntik nang mabulunan si ate Angelie sa tanong ko but kuya Adam maintain his poker face.

"She's good. Don't worry." Sagot ni kuya, napatango ako.

"Alam naba nina mama kung nasaan siya? Nakausap naba nila si ate?" Sunod-sunod na tanong ko, hindi ako sanay na hindi ako ang unang nilapitan ni ate sa problema niya.

"Yup. They knew, she's handling your business somewhere in the Philippines. Nahihiya siya sa pamilya ni Clark sa ginawa niya." Paliwanag ni ate Angelie sakin. Napatango ako, maybe they have connection or communication with her.

"If you have communication with her tell her that I miss her." Nakangiting wika ko kina ate Angelie at tumango lamang ito.

Hindi ako nagpasundo ngayon kay Clark, lalo na't sinabi niyang may meeting sila kasama si tito Kenneth kaya sumabay muna ako kay ate Angelie.

I fasten my seatbelt, nakatingin lang ako kay ate Angelie na mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko na siya tinanong dahil mukhang privacy ang kailangan niya.

Nang makarating kami sa kumpanya, tahimik parin si ate Angelie hanggang sa nakarating na ako sa floor ko tiyaka nagpaalam sa kaniya, hindi pareho ang floor namin kaya ako ang naunang bumaba sa elevator. Napalingon ako sa dulong cubicle kung saan doon ang pwesto ni Clark pero wala pa siya. Siguro ay nasa meeting pa siya.

Napasinghap ako at nilagay ang bag ko sa aking lamesa tiyaka nagpasyang umupo na sa cubicle ko. Nang-aasar na ngiti ang sinalubong sa akin ni Dem, she's involve with a business world so I guess she knew about it.

"Kaya naman pala may pakain palagi si Clark ay dahil may engagement palang naganap kagabi." Pang-aasar niya sa akin sa halip na batiin ako ngayong umaga.

"That was unexpected though." I honestly said, everyone well not everyone but the one who originally know the engagement that Ate Ann will be the one who will get engage but it turns out that it's me.

"Hmmm." Makahulugang wika nito sa akin. "You're so luck to have him, uni-unti na rin siyang bumabalik sa dating siya." Kumunot ang noo ko dahil mukhang alam niya ang nangyari kung bakit nagbago si Clark.

"Alam mo?" Tanong ko, isang ngiti at tango ang sinagot niya sa akin. "Paano?" I asked. Hindi ko natatandaan na may nakunwento siya sakin na close sila ni Clark.

"As I said before, Angelie is my best friend back then, when Setiel passed away. That's why I've known the Suarez. Pero medyo nawalan kami ng communication ni Angelie nang lumipat ako." Kuwento niya, napatango ako.

Mukhang halos lahat ng nakapaligid ay alam ang nakaraan ni Clark, si ate Ann din ba ay alam niya? Gusto ko siyang tanungin about dito pero parang masyado naman sigurong mabilis. Baka akala niya selosa ako.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon