Chapter 8

2.2K 46 2
                                    

Chapter 8

Pissed

"Ate saan tayo pupunta?" Tanong ko kay ate Ann. Nasa sasakyan kami ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Sa bagong bahay ni tito Matteo." Sagot niya sakin, tumango-tango lang ako.

Hindi ko maipaliwanag ang aking nadama sa oras na 'yon. Makikita ko nanaman siya kahit na mahilig siyang mang-asar gusto ko parin siyang makita.

Ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa bagong bahay ni tito Matteo, noon kasi sa condo lang sila nakatira pero ngayon gawa na ang kanilang bahay.

Pagkababa namin sa sasakyan, kaagad sumalubong sakin si ate Angelie kasama si Setiel at kuya Adam. Niyakap ako ng mahigpit ni ate Angelie ganon rin siya kay ate Ann. Sumunod ay si Setiel, Setiel nalang kasi ang pinatawag niya samin kahit na pinsan siya ni tito Matteo.

Pagkatapos nila kaming niyakap kaagad kong nilibot ang mata ko sa bahay para tingnan ang iisang tao. Hindi rin naman ako nagkamali. Nakita ko siya, papalapit sa amin habang suot ang kulay pulang polo at pants. Ngumiti ako tiyaka kumaway sa kaniya.

Kaagad siyang nakalapit sa amin, magkakasama na ang mga magulang namin mukhang nagkukuwentuhan habang nandito kami sa garden.

"Si Clark may crush nanaman na ibang babae!" Sambit ni Setiel. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa round table sa garden, lahat naman ng atensiyon namin ay nakabaling kay Clark.

"Normal lang naman iyon." Sagot niya kay Setiel.

"You're just ten years old." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"That's okay, he's growing." Singit ni ate Ann. Nakita ko ang pag-ngiti ni Clark kay ate Ann.

"Yup! I'm not a child anymore." Pagmamalaki niya pa sa akin.

"Diba nga Grace may crush ka narin?" Namilog ang mata ko sa tanong ni ate Ann. Nasabi ko na kasi sa kaniya na may gusto ako pero hindi ko sinabi ang pangalan.

"You're just seven years old." Nakakunot noong balik na sabi sakin ni Clark. Kinakabahan naman ako dahil baka tanungin nila ang lalaking crush ko.

"We-well. I'm growing too." Taas noong sabi ko kahit na hindi ko mabigkas ng maayos ang sagot ko.

Natawa si ate Angelie sa sagot ko, wala naman nakakatawa sa sagot ko ah? I'm just stating the fact here.

"Dapat eighteen years old." Seryoso parin nakatingin sakin si Clark dahilan ng pagkailang ko.

"Bakit ikaw ten years old?" Masungit na tanong ko sa kaniya. Umiling sakin si Clark.

"Lalaki ako." May diin na sagot niya. Napataas ang kilay ko dahil don.

"May nabasa ako sa internet na kailangan ng gender equality!" Pagdadahilan ko. E ano naman kung lalaki siya? Kapag lalaki ba kailangan ten years old pwede na pero kapag babae eighteen years old?

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo rito ah?" Sulpot ni mommy galing sa kung saang parte rito sa bahay.

"May crush na po kasi sina Clark at Grace tita." Sumbong ni ate Angelie. Kaagad dumapo ang tingin sakin ni mommy na nakangiti.

"Who is it darling?" Tiyaka ito lumapit sa akin, umupo siya sa tabi ko.

"I-it just James Reid mom!" Agaran na pagdadahilan ko. Natawa si mommy at hinalikan ako sa noo.

"And who is your crush, Clark? Lagot ka sa mommy mo." Natatawang wika ni mommy habang nakatingin kay Clark.

"Secret po." Tanging sagot ni Clark.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Where stories live. Discover now