Chapter 15

1.9K 48 1
                                    

Chapter 15

Distance

Laking pasasalamat ko ng makauwi ako sa bahay nang hindi pumatak ang mga luhang natipon sa aking mata.

Sa hotel narin nagpasyang matulog nina mommy dahil bukas ng madaling araw ang flight nila. Samantala, si ate naman ay sa katabing kwarto matutulog.

Kasalukuyan akong nakahiga, hindi pa ako nakapagpalit at nakapaghilamos tanging sapatos ko lamang ang aking natanggal. Nakatingin lang ako sa kisame na para bang minememorya ko ang kulay nito.

Naalala ko ang nangyari kanina, ngayon palang tuluyang natanggap ng utak ko ang lahat ng impormasyon na aking nalaman. Kailangan ng kumpanya nina daddy ang kumpanya nina Clark that's why they come up with the idea of marriage.

Ano pang sasakit na makita mo ang taong mahal mo na maikasal sa kakambal na mahal na mahal mo? Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Yung taong binalikan ko, ang taong walang pakialam kung babalik paba ako. Siya ang taong binalikan ko na dahilan ng pagluha ko ngayon. Walang tigil na pag-iyak ang ginawa ko nang gabing 'yon hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako sa katok ng pintuan kaya unti-unti kong minulat ang mga mata kong mahahapdi dahil sa pag-iyak kagabi. Tamad kong kinuha ang cellphone ko na nasa loob parin ng pouch ko kung saan katabi ko lang ito sa pagtulog, hindi na ako nakapagpalit pa ng damit o nakapag-ayos man lang ng sarili bago matulog.

Napabalikwas ako sa kama ng makitang alas nuebe na at alas otso ang aking pasok. Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko tiyaka nagmadaling maligo't magbihis. Sinuklayan ko na lamang ang aking buhok, pinabayaan ko nalang itong nakalagay. Hindi ko ito hinayayaang matuyo, kinuha ko ang bag na ginagamit ko sa opisina at mabilis na sinuot ang sapatos ko.

"Manang! Patawag po ako ng taxi!" Sigaw ko habang pababa sa hagdan at nag-aayos ng gamit sa aking bag.

"Hey!" Nagulat ako sa biglaang boses dahilan ng pagkamali ko ng baba sa baitang ng hagdan.

Pumikit na ako at naghanda sa susunod na mangyari nang maramdaman kong may bigla nalang humawak sa beywang ko kaya napahawak na ako sa batok niya bilang suporta.

Pagmulat ko ng aking mata, sinalubong ako ng matang nag-alala ni Clark. Biglang bumalik ang sakit na naramdaman ko kagabi pero kaagad akong umiwas ng tingin.

"Bakit kaba kasi nagmamadali?" Inis na tanong niya. "Paano kung hindi kaagad ako nakapunta sa harapan mo? Edi nahulog kana." Matagal na akong nahulog, hulog na hulog na.

Iniwas ko narin ang kamay ko at tinanggal ko na ito sa pagkakahawak sa batok niya. Naiilang na umalis ako sa pagkakahawak niya. Nagpalinga-linga ako para hanapin si manang.

Nilagpasan ko nalang siya't pinagpatuloy ang pagbaba ko sa hagdan.

"Manang, pakuha nga pong taxi. Late na ako." Tawag ko kay manang. Narinig ko ang mga yapak ni Clark na papalapit sa akin.

"I'll drive you." Ngumiti ako dahil sa alok niya pero hindi ko lang alam kung totoo ba ang ngiting pinakita ko.

"No need. I can manage." Bahagyang gumalaw ang kanyang panga sa sagot ko.

"Miss I can manage, huwag na matigas ang ulo." Parang batang sabi nito na sinabayan pa ng ngisi.

"It's not good" Sagot ko sakaniya. "Makita ng mga tao na magkasama tayo." Dagdag ko pa na siyang ikinatigil niya.

"What's wrong with that?" Naguguluhang wika niya. "And mind if I ask you bakit namumugto ang mga mata mo?" Bahagya akong napakurap sa gulat, akala ko hindi niya napansin.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Where stories live. Discover now