Chapter 6

2.4K 57 0
                                    

Chapter 6

Girls

Tahimik akong naglalakad papunta sa unang klase ko ngayong araw, kasabay kong naglalakad si Clark na tila walang kakilala sa paglalakad niya at nakalagay ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. Pa-cool tss.

Siya na ang nagbukas ng pintuan tiyaka tumingin sa akin kaagad kong iniwas ang tingin at nagtuloy-tuloy sa room.

Umupo na ako sa madalas kong inuupuan, wala pa ang professor namin. Nagulat ako ng biglang padabog na umupo si Clark sa tabi ko.

"May nakaupo na riyan." Simpleng sabi ko sakaniya. Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon at nagkibit balikat.

"Ako na ngayon." Mayabang na sagot niya o ganon lang talaga siyang magsalita.

Napabuntong hininga nalang ako keysa makipagtalo pa sa kaniya. Mukhang wala siya sa mood, kanina pa siya habang nakasakay sa kotse galit at tila may iniisip. Kahit gusto ko man itanong alam ko naman na hindi niya ako sasagutin.

Natapos ang kalahating araw, late nag dismiss ang aming prof kaya pagdating ko sa canteen ng school ay halos wala nang maupuan.

Muli kong nilibot ang mata ko para tingnan kung may mauupuan paba ako pero wala na. May iba na mukhang mag-isa pero nakakahiya naman makiupo lalo na baguhan palang ako sa eskwelang ito.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang papalayo. Mukhang kailangan kong lumabas sa school para makakain, ganon lang din naman ang ginagawa ng ibang estudyante ang kaso nga lang kailangan kong mag commute at wala akong masyadong alam na kainan na malapit.

Paglabas ko sa school, naglakad ako nang kaunti papalayo rito at nakita ko ang iba't-ibang eatery, may mga estudyante at nagtatrabaho na kumakain doon.

Instead of being lost, naka order na ako ng ulam sa eatery na ito. Malinis naman ang mga kasangkapan at ang paligid. Kumportableng kumain kaya dito nalang ang pinili ko.

Nilapag na ang order ko na isang order ng menudo at kanin. Magsisimula na sana ako ng nagulat ako sa biglaang paglapag ng isang tray sa harapan ko dahilan ng pag-angat ko ng tingin.

"Cl-clark." Tawag ko sa kaniya.

Hinila niya ang upuan gamit ang kaniyang paa at umupo roon. Inalis niya sa tray ang kaniyang pagkain at tahimik na nagsimula.

Nakatitig lang ako sakaniya habang inaayos niya ang kaniyang pagkain at nagsimulang sumubo. Naka tatlong subo siya nang makita niya akong nakatitig sa kaniya.

"Kumain kana, hindi ka mabubusog sa kakatingin sa akin." Masungit na sabi nito. Kaagad kong kinuha ang kutsara at tinidor tiyaka sinimulan ko nang kumain.

Suddenly, I just miss the old him. The happy go lucky boy, yung pilyong kasama namin, yung hindi maalis ang ngisi sa kaniyang labi and the way he treat me. Those memories makes me sad for a moment.

"Anything wrong?" Tiyaka niya winagayway ang kamay niya sa harap ko. Natulala na pala ako sa kakaisip. Agad akong umiling at pinagpatuloy ulit ang aking pagkain.

"What's wrong?" Binilisan ko nalang ang aking pagkain dahil hindi na pala ako kumportable sa lugar na ito.

Dahil sa pagmamadali ko sa pagkain bigla akong nabilanukan, agaran niyang bibigay sa akin ang isang basong tubig at malugod ko itong ininom.

"Dahan-dahan kasi." Sermon niya. Nagulat ako ng biglang niyang inayos ang buhok ko, nilagay niya ang mga hibla sa likod ng tenga ko.

"A-ako na." Nahihiyang sabi ko tiyaka inayos ang buhok ko.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Where stories live. Discover now