Chapter 3

2.9K 76 0
                                    

Chapter 3

Girlfriend

Isang linggo, isang linggo ko ginawa lahat ng mga kailangan ipasa dahil nga late enrolee ako. Nag-unat ako ng braso tiyaka muna bumaba, linggo ngayon kaya day-off ni ate Angelie, si kuya Adam walang balak mag day off.

Kumunot ang noo ko habang pababa ako ng marinig ang tawanan ng dalawang pamilyar na lalaki sa sala. Napatingin sila sa akin at kaagad na ngumiti sa akin si kuya Adam. Buti nalang nandito si kuya Adam pero nakabihis sila mukhang aalis at naghihintay lang ng oras.

"Oh, nagmiryenda kana Grace?" Tanong sa akin ni kuya Adam, napatingin ako sa katabi niya na kaunti nalang ang kurba sa kaniyang labi. Ngumiti ako nang naiilang bago sagutin ang tanong niya.

"Hindi pa kuya, kakatapos ko lang gawin lahat ng requirements." Sagot ko, napatango siya sa sinabi ko. "Hindi ka yata nagtrabaho ngayon kuya? Himala." I joked. He laugh a little.

"I need rest." Nakangiting sagot niya sa akin. Syempre, sa ginawa ba naman niyang oxygen ang trabaho talagang kailangan na niya ng pahinga.

"Pero aalis ka?" I asked at tumingin sa katabi niya na walang emosyon na nakikinig sa aming dalawa.

"Hmm. We will just have fun." Ngiting sagot ni kuya. Hindi ko maiwasan na malungkot sa kalagayan ngayon ni kuya, I know he love Setiel so much that he can't find someone else.

"Have fun, have fun! Ang daming pwedeng puntahan diyan pero sa bar pa ang punta niyo!" Bahagya akong napatalon at napatingin sa likod ko kung saan pababa si ate Angelie. Napailing nalang si Kuya sa kaniya.

"Ayaw mo ba 'yon? Naghahanap kami ng babaeng hindi kami iiwan." Sagot nang nakangising si Clark. Napabaling ako ng tingin sa kaniya, bar para maghanap ng babae?

"Don't find a girl on a bar instead find a girl inside the church."  Hindi ko mapigilan ang pag-singit. Napawi ang ngisi ni Clark sa sinabi ko.

Biglang pumalakpak si ate Angelie sa sinabi ko. "You nailed it!" Sabay ngisi niya sa dalawa. "Kung gusto niyo ng matinong babae, huwag sa bar." Masungit na sabi nito.

"Iinom lang naman ako. Si Clark lang naman ang maghahanap ng babae." Kibit-balikat na sagot ni kuya Adam. Nakita ko ang kaunting paggalaw ng panga ni Clark.

"Iinom lang? Sa tingin mo ba kuya magugustuhan ni Setiel 'yan?" Mahinahon na tanong ni ate Angelie. Bahagyang napakagat ng labi si kuya Adam.

"How can I move on from her if you keep on mentioning her name?" kuya Adam said coldly. He's right, how can he move on when Setiel shadow still here?

Nakapamulsang lumabas ng bahay si kuya Adam habang sinusundan lang naman namin siya ng tingin. Napatingin ako ngayon kay Clark na nasa harapan namin at nakatingin sa aming dalawa ni ate Angelie.

"Just understand him." Wika nito sa amin at sumunod na kay kuya Adam.

Napabaling sa akin si ate Angelie kaya bumaling din ako sa kaniya.

"Natapos mo na ba ang mga requirements mo?" she asked. Napakunot ang noo ko sa tanong niya pero ngumiti lang ako.

"Oo." sagot ko sa kaniya. Napatango siya sa sinabi ko.

"Good. Change your clothes, we will follow them." Nagulat ako sinabi ni ate Angelie at nagmadali siyang tumakbo sa taas. "Hurry!" Sigaw niya sa akin mula sa taas.

Nang matauhan ako ay kaagad rin akong pumasok sa kwarto ko isang purple crop top at purple short ang sinuot ko sa pagmamadali. Nang pababa na ako nakita ko na si ate Angelie na nasa pintuan na kaya lalo ko pang binilisan.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon