Chapter 10

2.1K 45 0
                                    

Chapter 10

Familiar

Pagkatapos ng paglolokong ginawa sakin ni Clark, iniwan ko siya sa garden. Gawa-gawa lang pala niya na umuwi si ate? What's with him?

Padabog akong naglalakad papunta sa library dahil iyon lang ang pwede kong puntahan ngayon, hindi pa oras ng pasok ko.

"Hey wait!" Naramdaman ko ang paghawak ni Clark sa braso ko dahilan ng pagtigil ko. Hinarap ko siya ng nakakunot ang noo para ipahiwatig sakaniya na hindi ako nasiyahan sa ginawa niya.

"I'm sorry, okay?" He said. I rolled my eyes with that. "But seriously, nandito si Joyce. Nasa bahay siya nina Angelie." Pinangningkitan ko siya ng mata. Sa tingin niya ba maniniwala pa ako pagkatapos ng ginawa niya kanina?

"What now, Clark? Expect to believe in you after what you said?" Sarcastic na wika ko sakaniya.

"I was just kidding earlier but she's indeed here. You can call Angelie if you want." He said. I rolled my eyes.

"I will call her so please don't touch me." He let a heavy sighed. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan nga si ate Angelie.

"Hello?" She answered. "Nakita kana daw ni Clark?" Tanong niya.

"Yup. Magkasama kami." I answered back. "Is it true that my twin is here in the Philippines?" I asked.

"Yes. She want to surprise you pero nag-alala kami sayo." I sighed.

"Okay. Uuwi ako kagad mamaya after ng school." Tanging sagot ko na lamang.

"See? Nandito ang kakambal mo." Malawak na ngiti ang iginawad sakin ni Clark. Mukhang masayang-masaya siya sa pagdating ng kakambal ko.

Bakit naisipan umuwi ni Ate? Is there something wrong? Sa pagkakaalam ko wala naman dahilan well of course except me, para bumalik siya sa Pilipinas.  Wala nga ba?

"Okay. Now could you please spare me?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"What did I do? Bakit iniiwasan mo ako?" Nagtatakang tanong niya. "Dahil ba sa mga babaeng umaway sayo? Trust me, it won't happen again." Puno ng sinseridad ang boses niya.

"Ano bang kailangan mo sakin?" I asked. Ano bang kailangan niya? Bakit hindi nalang niya ako hayaan? "Look, I know how to go here without you, I already know my schedule and my room. Could you please leave me alone?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sakaniya ang lahat ng iyon.

His lips formed a sarcastic smile. "You're welcome." He said and walk away.

Ngayon ko lang napagtanto na siya pala ang nagturo sakin pero hindi man lang ako nagpasalamat sakaniya. Napapadyak lang ako sa inis sa aking sarili.

Tahimik akong pumunta sa library at nagbasa nalang ng libro hanggang sa oras na ng klase ko. Tahimik lang akong naglalakad sa hallway.

Pagkaasok ko sa room ng first period namin, iginala ko ang paningin ko at nakita ko si Clark na tahimik na nakaupo habang may earphone sa dalawang tenga niya. Umupo lang ako sa malayo sakaniya para maiwasan ko nalang din siya.

Hanggang sa natapos ang klase namin ngayong araw, hindi niya ako kinausap o nilapitan man lang. Napabuntong hininga lang ako, mabuti naman.

Papalabas na sana ako ng classroom nang may nakabungguan akong isang lalaki. He looks familiar.

"Sorry miss." He said at inangat ang tingin niya sakin. "Wait. Had we met before?" He asked.

"Ah? Do I know you?" Medyo nag-alinlangan na tanong ko.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon