Chapter 12

2.1K 48 1
                                    

Chapter 12

Awkward

Maaga akong nagising ngayong araw dahil may pasok. Ngayon ang araw kung saan mag-apply kami sa kumpanya para sa OJT namin. Hindi ako sumabay kina ate Angelie dahil may kailangan pa akong ipasang requirement at makapagpa-check ng attendance.

Hindi ulit ako sumabay kay Clark ngayon at nag taxi lang. Pagkatapos kong makapagpasa ng requirement at nakapagpacheck ng attendance. Lumabas na ako sa shool para pumunta sa kumpanya nina ate Angelie.

May isang pamilyar na kotse ang pumarada sa harapan ko at binaba ang bintana.

"Sumakay kana." Malamig na wika nito. Napatingin ako sa wrist watch, hanggang lunch lang kasi nandoon si ate Angelie dahil may meeting siya.

Nang makita kong malapit ng mag lunch. Sumakay nalang ako ng tahimik sa kotse niya. Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll nalang sa mga social media account ko.

"Suarez Corporation?" Kaagad kong tinakpan ang sliding floder na transparent kung saan nandoon ang mga papeles na kailangan.

Simple lang akong tumango sa tanong niya, nakita ko sa gilid ng aking mata ang paggalaw ng panga niya. Binalik ko nalang ang tingin ko sa cellphone ko.

"How come hindi sa kumpanya niyo?" Tiningnan ko pa kung may kausap siya sa cellphone pero nung makita kong wala, napabuntong hininga ako at sumagot.

"Napag-usapan na kasi namin nina mommy na kung dito ako mag-aaral at ate Angelie na sa Suarez Corporation ako mag-OJT." Pagpapaliwanag ko sakaniya. Napatango siya sa sagot ko.

"Ahm. I-ikaw?" I asked. Huminto siya dahil sa stop light, tiyaka bumaling sakin.

"My father is a Suarez, remember?" Naiilang akong ngumiti sakaniya, oo nga naman, isa din pala siya sa may-ari ng kumpanya.

"Oo nga pala." Tanging sabi ko nalang dahil sa hiya.

"Sabay tayo, papasok at mag out sa opisina." Tipid na sagot niya.

Kahit na hindi siya mag OJT, alam ko naman na kaya niyang hawakan ang kumpanya nila. Buti naisipan niyang mag shift sa business gayong patapos na siya sa kursong Engineer.

"Ba-bakit ka nag shift ng business?" Hindi ko napigilan ang pagtanong ko dahil sa kuryosidad.

Gamit ang isang Suarez na tingin, tumingin siya sakin. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon, para bang may gusto siyang kalimutan na ayaw na niyang balikan pa.

"Trip ko." Walang emosyong wika niya. Napatango nalang ako at hindi na nagtanong sa sagot niya, baka mawala lang siya sa mood sa tanong ko.

Kakaiba rin pala siya kapag nakatrip, ilang buwan nalang graduate na siya pero naisipan niya parin mag shift ng course.

Biglang may sumagi sa isipan ko na sinabi ng mommy niya. Dahil din ba sa 'babaeng iyon' kaya siya nag shift ng course? Napailing nalang ako sa naisip ko, ano namang pake ko?

Nakarating narin kami sa kumpanya, sumunod lang ako kay Clark na paniguradong kabisado na ang bawat sulok ng kumpaya.

May mga bumati sakaniya, karamihan dito ay mga babae na puro make-up ang mukha at malawak ang ngiti sa pagbati nila, ngunit hindi sila pinansin ni Clark.

Nakasunod lang ako sa likod niya na para bang isa siyang modelong naglalakad. Pinindot na niya kaagad ang elevator at naghintay kami.

Tahimik kaming pumasok sa elevator at pinindot ang floor na panigurado sa opisina ni ate Angelie. Sakaniya ko nalang papacheck ang papel ko kagaya ng sabi niya. Next week narin ang start ng OJT namin.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Where stories live. Discover now