Chapter 1

8.5K 97 1
                                    

Chapter 1

Back

Sinimulan kong ilagay ang aking mga damit sa maleta. Tinutulungan ako ng aking kambal sa pag-aayos.

"Hindi ka talaga sasama ate?" I asked her. Ngumiti siya ng malungkot tiyaka umiling.

"Hindi." She answered.

"Ang tagal mo nang hindi nakakabalik ng Pilipinas ah? Since Setiel passed away." I said. Hindi niya ako sinagot instead she diverted the topic.

"Ayusin mo Grace, wala kami nina mommy. Ba't kailangan mo pa bang umuwi?" She's pissed.

Ayaw ko kasi rito sa ibang bansa, ewan ko kahit na apat na taon na kaming nakatira rito may bahagi parin sa puso ko na hinahatak akong umuwi sa Pilipinas, hindi ko alam kung bakit.

"Mas okay ako roon, Ate. At isa pa para may makasama si Ate Angelie, simula nung iniwan tayo ni Setiel wala na siyang kasama." Which is true, walang ibang kaibigan si ate Angelie since Setiel passed away.

"Sabagay." She said.

Kina tito Matteo ako titira kasama ang mga pinsan ko, hindi ko alam kung ano pa ba ang dadatnan ko sa bahay na 'yon, mukhang nawalan
ng kulay magsimula nung iniwan sila ni Setiel three years ago.

Umalis kami sa Pilipinas para maalagaan namin si lolo but two years after Setiel passed away, sumunod si lolo. Napagdesisyunan narin nina mommy na sa L.A nalang muna kami manirahan.

Tatapusin ng kakambal ko nasi Ate Joyce ang pag-aaral niya rito sa ibang bansa bago sila sumunod sa akin sa Pilipinas, magta-transfer naman ako kung saan ang school ni ate Angelie.

Ang daming nagtatanong sa amin ni ate Joyce kung bakit ang layo raw ng pangalan namin sa isa't-isa, Joyce Ann at Grace Lae. Pero kung iintindihin mong mabuti, magkalapit lang naman. Ang meaning ng Joyce at Grace.

Nang matapos na kaming mag-impake, bumaba na kami para kumain. Mamaya na rin kasi ang flight ko pauwi sa Pilipinas.

"Libangin mo nga sina Angelie at Adam sa Pilipinas. Ang lungkot na nila." Mommy said. As I said earlier, makikita mo man masaya sina Kuya Adam pero may mali, sa likod ng kanilang ngiti may sakit na nakatago.

"I'll try mom." Sagot ko. Umiling si daddy tiyaka nagsalita.

"Hindi ko alam kung kailangan kong kaawaan ang mag-ama o ano." He said. Tumingin kami sa kaniya habang nagsasalita siya. "Pareho silang nang tadhana, naiwan silang pareho ng taong mahal nila at kahit ano pang gawin nila hindi na sila babalikan nito." Sagot ni dad. He's right, Tito Matteo and Kuya Adam had the same fate.

"Kinakabahan ako na baka tumandang binata si Kuya Adam." Ate Ann is right. Nasa lahi pa naman nina tito Matteo ang matandang dalaga't binata. "Sayang lahi." She added a joke.

"Alam mo na ang mga bawal, Grace. Malaki na kayo." Habilin sa akin ni mommy. Tumango lang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos namin kumain, nagbihis na ako para maghanda sa flight ko. Hahatid nila ako kagaya ng plano namin.

Hindi ko nga rin alam kung paano ko napapayag sina mommy na ako ang unang uuwi sa Pilipinas siguro dahil nagbago nga si ate Angelie, naging malungkutin na kasi ito gaya ng kinukuwento sa amin ni tito Matteo.

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko.

This is it. I'm back.

Hapon na ng makarating ako rito. Pagkatapos ng lahat nang kailangan gawin. Nakita ko na sa waiting area si ate Angelie.

Kaagad akong tumakbo para mayakap siya. She hug me tight. I smile.

"Kumusta?" Unang tanong ko sa kaniya.

Almost Lastingly [Suarez Series #3]Where stories live. Discover now